"Napakalawak ng iyong hacienda. Ito ang unang pagkakataon kong mapadako rito. Hindi ko maiwasang hindi mapamangha. Totoo nga ang mga bali-balitang narinig ko na isa ka na sa mga hacienderong tinitingala sa lalawigan na ito." "Pinagsikapan ko lahat ano man ang narating ko ngayon. Mahirap kasi talaga maging mahirap. Basta basta ka nalang talikuran ng mga taong hindi mo kayang pantayan ang kanilang kayamanan. Mahirap din kasing masabihan ng walang pangarap at walang marating sa buhay..." Tila paulit ulit na nag echo ang salitang binitawan na iyon ni Sabio sa pandinig ni Senyorito Pancho. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng isang baldeng yelo dahilan para maramdaman niya ang panlalamig ng kaniyang kalamanan at pamamanhid ng kaniyang pisngi. Masyado siyang natamaan sa waring panunumbat nito

