Mariing umiling si Sabio tanda ng pagtutol nito sa sinasabi ni Senyorito Pancho sa kaniya. "Hindi naman ganiyan ang mga ipinapangako mo sa akin noon. Sabi mo sa akin na hindi mo kayang mahalin si Senyorita Amanda dahil kahit patago ang ating pag-iibigan, sinabi mo sa akin na ako lang ang mamahalin mo. Nangako ka sa akin, Senyorito Pancho na sa akin lang ang katapatan mo. Oo, itinataboy kita nang magbalik si Senyorita Amanda, pero labag sa kalooban ko ang lahat ng mga pagpapasya na iyon. Kaya nga hindi ba't pinili kong manatili sa iyo sa kabila ng kagustuhan ng aking isipan na tuluyan na lang lumakad mag-isa. Dahil mahal kita, Senyorito! Hindi maatim ng katauhan ko na iwanan kang tuluyan dahil may sumpaan tayong dalawa na magkahawak kamay sa ano mang bagyong hahagupit sa atin. Aaminin ko sa

