Chapter 47

2405 Words

"Sige pa, Marcus! Tumakbo ka!" ang aligagang utos ni Sabio sa alagang hayop sabay hataw nito ng latigo. Sa ginawa niyang iyon naramdaman niya ang pagbilis ng mga yabag ng kabayo. Muli niyang nilingon pabalik ang daang tinatahak. Ganoon na lang ang pagkabahala niya nang mapansing papalapit na ng papalapit sa kaniya si Senyorito Pancho na nooy labis rin ang kagustuhan na mahabol siya. Papauwi na sana siya sa sandaling iyon sapagkat tapos na rin ang mga gawain niya sa kamalig. Akala niya ay makapagpahinga na siya nang tuluyan ngunit bigo siya nang mapansin si Senyorito Pancho sakay sa puting kabayo nito. Tumatakbo ito kasunod sa kaniya. Kailangan niya itong maiwasan. Sa tingin niya ay wala ng dahilan upang muli silang magkausap. Ang nasabi na niya ay nasabi na. Hinding hindi na niya iyon b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD