Pumailanlang ang malamyos na musika habang bumababa kami ng hagdan nina mama at papa. Nag-iba ang timplada ng katawan ko dahil pakiwari ko’y ‘di naaayon sa okasyon ang tugtog. “Bakit ang weird naman po yata ng kanta?” ‘di nakatiis na tanong ko sa ina. “Baka request ni Annalyn,” tugon naman sa akin ni Mama. Masuyong inalalayan ako ni Papa habang karga nito si Jela. Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid upang hanapin si Jerson, ngunit ‘di ko siya natagpuan. Nang nasa ibabang palapag na kami ng bahay ay pinahinto muna ako ni papa sa paglalakad saka nilagyan ng piring ang mga mata ko. “Papa, bakit may paganito?” puno ng pagtatakang tanong ko sa ama. “Pasensiya ka na anak, ayokong ma-outside kulambo mamaya sa mama mo kaya sumunod lang ako.” Narinig ko ang paghagikhik ni mama na par
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


