Chapter 40

1124 Words

Mula nang makalabas ako ng hospital hindi na ako hinayaan pang umalis ni Jerson. Hindi ko iyon ikinatampo sapagkat iniingatan lang naman niya ako gayundin ang ikalawa naming anak na hindi pa man isinisilang. Halos sa bahay na lang ako madalas lumalagi at kung magawi man kami sa foundation ay roon lang niya ako madalas pinatatambay. “Anak pwede mo bang suutin ang damit na ito?” Nilingon ko si Mama na nakatayo sa may pintuan ng aming silid. “Ano pong okasyon, Ma?” tanong ko sa ina. Inilahad nito ang kulay puting damit na sobrang simple ng ayos pero siyang pipiliin kong suutin kaysa sa magagarbong kasuotan. “Kaarawan ni Annalyn kaya may party na magaganap,” turan ni mama. “Talaga po? Kaarawan ngayon ni Mama Annalyn?” manghang tanong ko sa ina. Hindi ko alam na birthday ng ina ni Jers

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD