"Dok!" malakas kong sigaw upang pumasok ang doktor.
"Laura!" binuhat ko ang walang malay niyang katawan at saka maayos na ipinahiga sa kama.
"Excuse me, Sir!" Tumabi ako upang ma-check ng doktor ang walang malay na si Laura.
"Nag-away po ba kayo?" tanong sa akin ng doktor.
"No!" agad ko namang tanggi.
Pinagmasdan ko ang nakakaawang anyo ni Laura at parang piniga ang puso ko sa nasasaksihang kahinaan nito.
"Dok, please save her and the baby." Tanging nasambit ko sa doktor.
Pagkalipas ng ilang sandali ay idineklara na ng doktor na maayos na ang vitals ni Laura.
Kailangan na lamang niyang magpahinga upang tuluyang makabawi ng lakas.
Lumambot ang bakas ng aking mukha habang pinagmamasdan ang mala-anghel nitong mukha.
"Anong klaseng asawa ba ang mayroon ka at nagagawa niyang pabayaan ka?" tanong ko sa isipan.
Lumabas ako sandali upang bumili nang maiinom na tubig. Bumili na rin ako ng ponkan na nakita ko sa may tabi ng convenient store.
Pagbalik ko sa loob ng ospital ay naabutan ko ng gising at nakaupo na sa kama si Laura.
"Pasensiya ka na talaga Sir kung naabala na kita ng husto!" hinging paumanhin sa akin ni Laura.
"Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga ay magpalakas ka. Masama sa inyong dalawa ng baby mo ang nanghihina ka," may pag-aalalang tugon ko sa kaniya.
Inilapag ko ang mga pinamili ko sa side table upang madala niya iyon sa kaniyang pag-uwi.
"Maraming salamat po ulit, Sir!" Bahagyang yumukod siya bilang pagbibigay pasalamat sa akin.
"Jerson!" Inilahad ko ang palad ko sa kaniya. "Tawagin mo akong, Jerson."
Nag-aalangan siyang tanggapin ang palad ko ngunit hindi ko iyon ibinaba hangga't hindi niya rin tinatanggap ang pakikipagdaupang palad ko sa kaniya.
"H-hindi ko po alam kung paano ako makakabayad sa kabutihang loob mo sa akin, Sir. Wala pa naman akong kapera-pera," utal niyang anas sa akin.
"Makakabayad ka lang sa akin, kung tatawagin mo ako sa pangalan ko at kung tatanggapin mo ang pakikipagkaibigan ko sa iyo," nakangiting pahayag ko sa kaniya.
Nagdadalawang isip man siyang tanggapin ang palad ko, tinanggap niya naman iyon.
Masuyong pinisil ko ang kaniyang palad bago ko iyon tuluyang binitiwan.
"Nandito nga pala ang bag mo." Inabot ko sa ang gamit niya
"Salamat!" pasasalamat niyang muli sa akin.
"Heto ang calling card ko just in case you need help." Inabot ko rin sa ang maliit na tarheta sa kaniya.
Tinanggap niya naman iyon at saglit na sinulyapan ang nakapaloob na impormasyon doon. Matapos niyang sipatin ang tarheta ay ipinasok na nito iyon sa loob ng kaniyang bag.
Nagpaalam na siya sa akin na uuwi na. Tinanong ko muna ang doktor kung papayagan na siyang umuwi.
Inalalayan ko siyang makababa sa kama at saka tinulungang maisuot ang kaniyang sandalyas sa paa.
Nagboluntaryo pa akong ihatid siya sa kanila ngunit tinanggihan niya iyon.
Habang naglalakad kami sa may pasilyo ng hospital ay nag-isip ako ng pwedeng idahilan para mapapayag siyang ihatid ko sa kanila.
Huminto siya sa paghakbang ng may dumaan na nagtitinda ng manggang hilaw sa aming harapan. Kitang-kita ko kung paano niya iyon sundan ng tingin habang takam na takam.
"Gusto mo ba ng mangga?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa akin bagkus ay binuksan niya ang bag na nakasukbit sa kaniyang katawan at saka kinuha mula roon ang pitaka. Binuksan niya iyon at tila binilang ang laman niyon.
Mabilis akong lumapit sa nagtitinda ng mangga at bumili ako ng dalawang kilo para kay Laura.
Maluha-luha ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang berdeng mangga na nasa loob ng supot nang ibigay ko iyon sa kaniya.
"Napakabuti mo! Wala talaga akong pambili ng gustong kainin ng baby ko pero binili mo. Kaypalad ng asawa mo." Gumagaralgal ang kaniyang tinig habang binibigkas ang mga salita.
"Wala pa akong asawa!" napapabuntonghiningang sagot ko sa kaniya. "Sana nga makita ko na siya."
"Malay mo Sir bigla na lamang kayong magkita," nakangiti niyang hayag sa akin.
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Sana nga!"
Nagpumilit akong ihatid siya ngunit matatag din ang kaniyang pagtanggi. Inabutan ko siya ng ilang libong pera ngunit ibinalik niya lang din sa akin.
"Tanggapin mo na ang perang ito upang kahit pa'no ay makatulong." Pagpupumilit ko sa kaniya.
"Sapat na ang ginawa mong tulong sa akin." Tanggi pa niya at muling ibinalik ang pera sa aking palad.
Napabuntonghininga na lamang ako sa kaniyang katigasan at tatag ng prinsipyo.
Nang tumalikod siya sa akin ay nagkaroon ako ng pagkakataon na iipit ang pera sa loob ng kaniyang bag. Kunwari ay pasipol-sipol lang akong dinampot ang bato sa lupa at saka kumapit ako sa nakalawit niyang bag.
Hindi niya iyon napansin dahil abala siya sa pagsasaayos ng mga plastic ng pinamili kong prutas.
"Maraming salamat po ulit, Sir!" pasasalamat niya habang walang kamalay-malay sa aking ginawa.
"Jerson! Tawagin mo akong Jerson," turan ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin at saka tuluyang tinalikuran na niya ako.
Tinanaw ko na lamang ang papalayong bulto ng kaniyang katawan.
Nang hindi ko na siya matanaw ay pumunta na ako sa aking sasakyan.
Papagabi na at tinatamad na rin akong pumunta pa kina Seb kung kaya nagdesisyon na lamang akong dumiretso na ng uwi ng bahay.
"Idadaan ko na lang bukas ang regalo ko sa mga bata," bulong ko sa hangin.
Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at saka umalis na sa paradahan ng ospital.
Habang nagmamaneho ay 'di maalis sa isipan ko ang pigura ng mukha ni Laura.
Tila siya isang magandang larawan sa aking harapan na bigla na lamang lumalabo.
"Sh*t! Anong nangyayari sa akin?" Ipinilig ko ang ulo upang alisin sa aking isipan si Laura.
Nag-ingay ang cellphone ko at nakita kong si Seb ang tumatawag. Pinindot ko iyon at inilagay sa loud speaker upang marinig ko ang kaniyang sasabihin.
"What happen to you, Dude? Malala ba ang lagay ng pasyente mo? O pati ikaw naospital na rin?" magkasunod niyang tanong sa akin.
"F*ck! Too much exaggerated, Dude!"
Narinig ko ang malakas na pagtawa nito mula sa kabilang linya. "Nasaan ka na ba at hinihintay ka pa rin namin dito sa bahay."
"Pauwi na ako ng bahay."
Narinig ko ang pagpalatak nito at ng iba pang mga kaibigan namin mula sa kabilang linya.
"Hindi ka pa nga dumaan dito sa bahay, uuwi ka na?"
"Idadaan ko na lang ang regalo ko sa mga bata sa sunod na araw. Pagod at wala na rin ako sa mood na pumunta riyan. Masisira ko lang ang masayang okasyon," paliwanag ko naman sa kaniya.
"Ang sabihin mo, nabasted ka lang!" boses ni Jerome ang narinig kong nagsalita.
Malakas na halakhakan ang sumunod kong narinig.
"I need to go, guys!" Hindi ko na hinintay pa ang kanilang mga sagot at dali ko nang pinatay ang linya.