Chapter 4

1078 Words
Sinbilis ng ipo-ipo ang aking pagkilos upang malapitan agad ang babae. Mabuti na lang at umabot ako sa kaniya kaya nasalo ko agad ang hinimatay niyang katawan. Binuhat ko ang walang malay niyang katawan at saka dinala ko sa isa sa mga upuang pahaba ng simbahan. "Pamaypay! Bigyan ninyo ako ng pamaypay," natatarantang wika ni Nena. Dito ako napapahanga ng husto sa asawa ng kaibigan kong si Seb. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang babaeng nakilala namin noon sa club ay isa palang anghel. Mapaloob o labas man na anyo nito ay tunay ngang maihahambing sa isang anghel. "Kumalma ka nga, Baby. Baka mam'ya niyan ikaw naman ang himatayin diyan," suway ni Seb sa kaniyang asawa. Napailing na lamang ako sa kanila at muli kong itinuon ang aking pansin sa walang malay na babae. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil ang bawat dulo ng daliri nito upang kahit pa'no ay mag-circulate ang kaniyang dugo sa ugat. Mula sa kinaroroonan kong upuan kanina ay pinagmamasdan ko na siya habang nanenermon ang pari para sa binyag ng mga anak nina Seb at Nena. Hindi ko alam kung ba't pakiramdam ko ay apektado rin ako sa lungkot na nasisilayan ko mula sa kaniyang mga mata. Tila ba miserable ang buhay niya at parang wala siyang ibang magawang solusyon para roon. May kung anong bagay na ipinaamoy si Sandra sa ilong ng walang malay na babae habang pinapaypayan naman ni Nena. "Laura..." Mahinang niyugyog ni Nena ang dalaga sa katawan ngunit nananatiling walang malay naman ang babae. "Kailangan na siguro natin siyang dalhin sa ospital," deklara ni CJ kasabay ng mahinang pagtapik nito sa aking braso at tila nagsasabing gawin ko ang kaniyang ipinapayo. "Ako ng bahalang magdala sa kaniya sa ospital. Susunod na lamang ako sa bahay ninyo," turan ko kay Seb. "Are you sure?" paniniyak pa sa akin ni Seb. "Yeah!" tipid kong tugon sa kaniya. "Pero..." Pinutol ko ang anumang sasabihin nito. "Hindi pwedeng sirain natin ang espesyal na araw ng mga bata." Nilapitan ko ang mga inaanak upang gawaran sila ng halik sa kanilang noo. "Kung gusto mo Jerson, sasamahan ka na namin ni Dahlia," boluntaryo naman ni Kobie. "Huwag na! Kaya ko naman siyang dalhin mag-isa sa ospital," agad kong tanggi. Lumapit ako sa kinaroroonan ng dalaga at saka yumukod upang kargahin ang walang malay nitong katawan. "Baka naman sa bahay mo siya dalhin imbes na sa ospital," buska sa akin ni Jerome. "F*ck you!" mura ko sa kaibigan na binigyan naman ng malakas na batok ni JC sa kaniyang ulo. Malalaki ang mga hakbang kong lumabas ng simbahan at agad kong pinindot ang susi ng sasakyan upang bumukas ang pintuan niyon. Maayos kong ipinahiga sa upuang nasa likurang bahagi ng aking sasakyan ang dalaga at saka sumakay na ako sa may driver seat. Muli ko siyang tinapunan ng sulyap bago ko binuhay ang makina ng sasakyan at saka tuluyan ko na iyong pinaharurot paalis. Dinala ko siya sa ospital na malapit lang din sa simbahang pinanggalingan namin. Sinalubong kami ng mga nurse mula sa emergency room nang makita nila ang walang malay na katawan ng dalaga. "Kaanu-ano mo po ang pasyente, Sir?" tanong sa akin ng isang nurse. Natigilan ako sa tanong na iyon at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Excuse me, Sir!" Nilingon ko ang taong tumawag sa akin. "Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" nakangiting tanong sa akin ng doktor. Dahil sa kawalan nang isasagot, tumango na lamang ako bilang tugon sa tanong na iyon. "Mukhang napagod siya ng husto at kung maaari sana ay iwasan mong ma-stress si Misis dahil hindi iyon makabubuti sa kaniyang pagdadalang tao," pahayag sa akin ng manggagamot. "B-buntis siya?" utal kong tugon kasabay nang paglunok ko ng laway sa narinig na sinabi nito. "Yes, Sir! Magiging daddy ka na. Congratulations!" masayang bati pa sa akin nito. "God!" hilakbot kong usal sa sarili. "Mabuti na lang pala at maagap kong nasalo ang kaniyang katawan. Paano kung tuluyan siyang bumagsak sa sahig, tiyak na nabagok din ang kaniyang ulo." "Is there anything wrong, Sir?" nakita ko ang pagkalito sa mukha ng doktor. "Maaari ko na ba siyang makita?" tanging tugon ko sa manggagamot. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tila concern na concern ako sa babae gayong hindi ko naman siya kilala ng lubusan. "Yes, Sir! Maaari mo na po siyang puntahan. Maya-maya lamang ay magigising na rin si mommy," nakangiting wika ng doktor. Matapos kong magpasalamat sa doktor ay tinungo ko na ang kamang kinararatayan ng babae. Pinagmasdan ko ang wangis nito at tila may kung anong bagay ang tumutusok sa aking dibdib. Gusto kong maawa sa babae dahil sa pakiwari ko ay napakahirap ng buhay na hinaharap nito kahit pa nga hindi ko naman talaga siya lubusang kilala. Humakbang ako palapit sa kama at masuyong hinagod ang kaniyang buhok ng mga daliri ko sa kamay. "Laura..." sambit ko sa kaniyang ngalan kasabay nang paulit-ulit na masuyong paghaplos ng palad ko sa kaniyang pisngi. "Bakit hindi mo ako hinintay na makilala..." Hindi ko alam kung bakit iyon ang aking nasabi, pero may bahagi ng puso ko ang nanghihinayang dahil huli na ang pagkakataon para sa aming dalawa. Kumislot at gumalaw ang katawan ng babae na tila magigising na. Mabilis kong inalis ang kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi at saka ipinasok ko iyon sa loob ng bulsa ng aking pantalon. Pupungas-pungas na tumitig sa akin ang kaniyang mapupungay na mga mata. "Sh*t! Mas lalo siyang gumanda dulot ng bagong gising niyang anyo," bulong ko sa isipan. "Nasaan ako?" kapagkuwa'y tanong niya sa akin. "Nasa ospital ka," malamig kong tugon sa kaniya. "Ospital?" nanlalaki ang mga mata niyang sambit. Nagulat ako ng bigla na lamang siyang pabalagbag na bumangon mula sa kama. "Hey! Anong ginagawa mo?" Pigil ko sa kaniya. "Uuwi na ako." Napangiwi ako nang alisin niya ang dextrose na nakatusok sa kaniyang kaliwang kamay. "Laura!" bulalas ko sa kaniyang pangalan. "Kumalma ka muna, pwede?" Pagpapahinahon ko pa sa kaniya. "Wala akong ipambabayad dito sa ospital, Sir!" Umagos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng habag sa kaniya kung kaya mahigpit ko siyang niyakap upang pigilin ang ginagawa niya sa sarili. "Ako na ang bahalang magbayad dito sa ospital. Ang mahalaga sa ngayon ay magpagaling ka na muna." Masuyong hinagod ko ang kaniyang likuran upang kalmahin ang kalooban nito. Humagulgol nang humagulgol siya ng iyak sa aking dibdib hanggang sa nawalan na naman siya ng malay. "Laura!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD