Tipid na ngumiti ako kay Mommy Annalyn matapos niya akong yakapin nang mahigpit. Panay ang usal niya ng pasasalamat na salita dahil sa pagtanggap ko raw kay Jerson na maging asawa nito. “Napakapalad ng anak ko na ikaw ang pinili niyang mahalin,” patuloy na usal nito. Ngumiti lamang ako dahil nakadarama na ako ng hiya sa bawat papuri niya sa’kin. Hindi ko tuloy alam kung maikukunsidera ko nga bang maswerte si Jerson sa pagkakaroon ng isang ako dahil pakiwari ko’y ako ang maswerte sa pagkakaroon ng isang tulad niya. “Alam kong mahirap makalimot, Laura.” Matamang tumitig ako sa mga mata ni Mommy Annalyn nang mag-iba ang tono ng kaniyang tinig. Masuyong hinila niya ako at inakay patungo sa isang silid na kailanman ay ‘di ko pa napapasok magmula nang tumira kami rito. Dinala ako ni Momm

