Sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa ko kasabay ng labis na pagtitig ko sa singsing na ngayo’y nakasuot sa aking daliri. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Jerson dahil nakadarama ako ng matinding takot. Takot na baka isa lamang pala itong panaginip na sa bandang huli ay isa ng bangungot ng buhay ko. Masuyong pumisil ang kamay ni Jerson sa aking kamay at dinala niya iyon sa tapat ng kaniyang labi upang patakan ng maliliit na halik. Ipinikit ko ang mga mata ko upang limiin sa sarili kung ano nga ba ang nararapat na desisyong kailangan kong isagawa. Mahirap magkamali dahil minsan na akong nagkamali. Ngunit pa'no nga ba ako mamimili? Si Jerson ang tumulong, sumalba at nagmahal sa akin, lalo pa noong panahon na kinakailangan ko ng karamay. Hindi ko tuloy maiwasa

