Alam niyang mali ang desisyon na kanyang napili . Kailangan niyang magpakasal kahit nasa bente-kwatro palang siya. Gusto niya sanang ma-enjoy ang buhay adulto pero nag-iba kasi ang ihip ng hangin. Problema rin kasi ngayon ang kan'yang inang nasa hospital.
Wala siyang pambayad sa naging resulta ng bills sa hospital. Buti na lang nga 'y dating katulong ang kan’yang ina sa Gurrera Family. Sa lahat ng naging katulong doon ay ang naging paboritong utusan ay ang kan’yang ina. Nang magkasakit ang ina niya ay saka na lang ito napalitan. Naibsan lahat ng kan’yang problema ng dahil sa mga magulang ng nakatadhanang pakasalan niya.
Dahil sa isang kabayaran, ng utang na loob. Hangad ni Madam ang makatulong, pero lingid man sa gusto ni Madam Rhodora, na tumulong ay kailangan na may kaakibat na kapalit ito. Ang magpakasal sa kanilang iisang Uniko-ijo.
Si Don Marco at Madam Rhodora ay ang dating amo pala ng kan'yang ina. Hindi kilala ni Rachel ang mga 'yon. Nakilala lang niya n'ong kinakailangan niyang maisugod ang nanay niya sa hospital. Sa mga oras na 'yon ay gulong-gulo ang isip niya. Lumapit na siya sa Baranggay ng lugar na 'to. Halos kulang pa rín kung sa tutuusin. Kaya kahit sabihin na may tumulong sa pinansyal na pangangailangan niya ay hindi pa iyon sapat. Kailangan niyang maghanap pa rin ng trabaho. Dati naman ay may trabaho siya kaso nga lang ay umalis kasi siya sa dating napasukan. Isa siyang tindera ng mga buhay na isda sa palengke. At doon niya nakalaban ang lalaking maselan sa amoy ng mga isda sa palengke. "Hindi ka naman mayaman!" nakaraan niyang sabi sa lalaki 'yon.
Inaanyayahan siya nina Madam at Don, na pumunta sa mansion, upang makilala raw niya ang kanilang anak.
Wala siyang magawa kundi sundin ang nasabing kasunduan. Kailangan niyang maging handa sa resulta ng kan’yang desisyon. Naisip niya na parang ipinagbili na rin niya ang kan’yang sarili sa isang sindikanto.
“Ija, ikaw lang ang pag-asa ko sa 'king anak na babaero. Naikwento ko rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayaw ng anak kong magpakasal pa at mag-asawa. Tulungan mo 'ko. Matanda na kami ng asawa kong si Marco. " Sabay hawak nito sa palad niya.
"Heto ang pera na maintenance na gamot sa Nanay mo. H'wag kang mag-alala kasi lahat ng bills dito eh, ayos na. Hindi naman ito suhol pero ang gusto ko kapag kasal na kayo ng aking anak eh, sanay bigyan mo kami ng apo na huh?” pakiusap nito. Nasa palad na rin niya ang perang naglalaman ng makapal na datung.
“Pero Madam?”
“Tita na lang,” Sabay binitawan nito ang kan’yang kamay.
“Mamaya ay pupunta tayo sa aming Mansyon upang makita mo ang anak namin. Kaso nga lang may edad na yun. Kaya naman sana mapagpasensyahan mo siya, ija?"
Naisip ni Rachel na, " Ako pa pala ang iintindi sa matanda!" Natameme na siya kaya naman ay tinapik s'ya ni Madam.
“Ah eh, Tita. Kaso po paano kung may masabi siya sa 'kin na ayokong marinig? eh, baka hindj ko mapigil ang sarili ko. Kung ano lang ang magawa ko-h!” tanong niya.
"Kung nasaktan ka eh, hindi ko naman kukunsintihin ang Anak ko," tugon nito sa kan'ya.
"Okay po," tipid niyang sabi.
Nagtanong si Madam . " Pwede ka bang sumama sa 'min ? Walang problema sa pamasahe kasi may sarili kaming kotse ng asawa ko." Malambing na tanong nito sa kan'ya.
"Ah eh__ ah eh. Tita, mga kapatid ko lang ang magiging kasama ng Nanay ko. Nasa bahay sila lang eh, hindi ko sila rin maaasahan. Dahil sa murang edad pa lang sila," paliwanag niya. Napakamot siya sa tuktok ng maalon-alon niyang buhok.
Ang ginawa na lang ni Madam ay may isang tao muna itong kinuha upang pagbantayin lang pansamantala sa kanyang ina . "Saglit ka lang naman Ija," dugtong nito.
Sumang-ayon na lang siya. Saktong tulog pa naman ang Nanay niya kaya ayos lang iyon.
“Nay… dito ka muna huh?” Maluha-luhang hinalikan niya sa noo ang kan’yang ina. Agad s’yang nagpahid ng luha upang hindi siya makita nila Madam at Don.
Pagkatapos ay hinikayat na siyang umalis na rin. Umalis silang apat kasama ang driver ng mga ito. Papunta sila ngayon sa mansion.
____________________________
PAGBABA nila sa kotse ay halos nanibago siya sa itsura ng bahay. Napakalaki talaga kaya namamangha siya sa mansyon na ito. Kumpara nga sa bahay nilang halos kasya lang ang anim na tao ay dito nasa Isang daan mahigit kumulang. Nakakaignorante naman talaga kung mapadpad ka sa lugar na malapalasyo ang bahay.
"Ang yaman nila talaga!" Komento niya sa isip niya.
"Pasadong 6 am na. 2 hours pala ang byahe papunta sa kanila," isip pa niya. Nakita kasi niya ang oras sa orasan.
Luminga-linga ang ulo niya para pagmasdan ang napakalaking mansion. Ang dami rin Maid at Haciendero nila. Kumpleto talaga sila sa mga tauhan.
“Tita at Tito. Ang ganda ho dito sobra!” Halos nakangiti ng malaki ang labi niya. Ignorante siya sa kan’yang inasta.
“Offcourse. Hayaan mo dito ka na titira kapag kasal ka na sa anak ko?"
“Ahh ganun ho ba?”
"Yes, Ija." saad naman ni Don.
Nahihiya siya ngayon. Pero lalakasan niya ang kan'yang loob. Matapang siya diba?
"Wait ka lang. Ija, pababa na ang anak ko. May pasok kasi si Jake, my son." Nakangiting sabi ni Madam. Nakaupo sila sa sofa. Naroroon si Don at abala naman sa pagbabasa ng balita sa dyaryo.
Natameme siya nang makita ang lalaking pimilyar sa kan'ya. "Huh, patay na tipaklong!" saad niya. Sabay takip ng mukha.
Napansin tuloy siya ng binata, kasi nga 'y weird ang kilos niya. Yumuko-yuko ito kasi gustong makita nito ang kanyang mukha.
Hindi pa natuloy ng binata na manatili pa sa pagkakaupo. Nasira na ang araw kasi nito.
" Ikaw?! " Gulat na tanong sa kan'ya ng lalaki.
"Ayoko sa Matapang na babae at baka mabali ang mga buto ko d'yan, Mom!" Masakit na salita ng binata.
Nagpantig ang tenga niya kaya 't para hindi maapakan ang pride niya as a woman ay kinakailangan niyang sampalin ang lalaking 'yon, na kahit pa 'y kaharap ang mga parents nito. Tutal naman ay sapilitan silang pinagtagpo ng kapalaran kaya mabuting putulin ang tadhanang ito. Wala naman na ligawan naganap kundi, Engaged agad... "Kasal agad! ganun kabuilis! " Inis niyang isip.
Kahit na gwapo 'yon ay kailangan niyang masampal ang lalaking 'yon. Kaya bigla siyang lumapit sa binata at sabay sinampal ng ubod lakas na nagpalagatok ng pisngi nito " Pak!"
May pangako siya sa sarili niya, na kapag may nasabi ‘yon na kung anong salitang nakakasakit sa kanya ay baka hindi niya napigilan ang kan'yang sarili. at kung ano lang ang magawa niya. Magkatotoo nga. Pinayagan naman siya ng mga magulang nito, kaya ayos na ayos.
Masakit para sa kan’ya ang sabihan ng ganun. Pinapalabas pa ng lalaking 'yon na napakatapang niya talaga. Hindi naman s'ya ganun at depende ito sa sitwasyon.
Humingi ng tawad si madam. Ngunit si Jake ay hindi. Tumalikod 'yon sa kanila para umalis.
Sa kagustuhan niyang makahanap ng trabaho ay nagmalasakit muli sa kan'ya si Madam at inalok siyang maging Sekretarya ng anak nito. Oportunidad na 'to para matustusan rin ang mga pangangailangan ng kan'yang pamilya.
Mahirap kasing makahanap ng trabaho sa panahon ngayon, Dahil kapag hindi nakapagtapos talaga ng pag-aaral ay mahihirapan pumasok sa ibang trabaho.
Lalo na kung elementary levels lang. Nakatungtong naman siya sa High school level. Pero natigil ang pag-aaral niya dahil sa napabayaan niya 'yon dahil sa bumagsak siya sa mga asinagtura. Kaysa sa mag-aral pa ay naisipan na lang niyang mamasukan bilang vendor ng mga isda. Kaya nga lang natigil siya gawa ng pinagbintangan siya na nagnakaw ng mga pera ng kan'yang amo.
Naisip na lang niyang umalis para makahanap na lang ulit ng bagong trabaho. May experience naman siya kahit papaano, lalo nasa Business. Pangarap kasi niyang Kurso sa koleheyo ay Business Marketing.
________________Becomes Secretary
Labis siyang natuwa nang makita niya ang mga mukha ng kapwa niyang co-workers na nasiyahan sa ginawa niyang presentation. Effort at ibigay mo lang ang best mo ang hagdan para lang makamtan ang isang pangarap. At 'yon ang namutawing pananaw niya, lalong-lalo nasa trabaho. Pangarap niya talagang maging Sales Manager. Kahit anong posisyon, basta about lang sa Business ay gustong-gusto niya talaga 'yon. Pero nabanggit niya kay Jake ang tungkol sa kasal ay natahimik iyon. Gusto tuloy ng binata na ipakasenla ang kasal nila. Eh, wala naman siyang magawa. Labag man sa kan'yang kalooban na sundin si Madam ay hindi naman pwedeng masira ang kanilang pinagkasunduan.
Nakaramdam siya ng hiya ng mang-alok sa kanya ang CEO, niyang maangas at suplado pa ng rewards. Naging maganda kasi ang performance niya sa nasabing reporting kanina. Nagsabi na lang siyang uuwi na lang upang puntahan ang kan'yang nanay at mga kapatid sa hospital. malapit-lapit na rin ang nakatakdang petsa kung kailan makakalabas sa hospital ang kan'yang nanay.