Nagpunta siya mismo sa silid ng kan'yang parents. Alam niyang mali ang puntahan ito ng maaga sa kwarto nila. Pero may gusto kasi siyang linawin sa mga magulang niya. Paano kasi sa dinami-daming babae sa mundo ay si Rachel pa ang gusto nilang maging asawa niya. Bukod doon ay gusto niyang sabihin sa dalawa na híndi pa niya kayang magmahal. Bahala na siya kung tumanda siyang walang asawa. Wala siyang pake. Hindi niya kayang mahalin si Rachel kung nasa kan'yang paso ay si Rebecca lamang. Kahit na mabuti ang kanyang hangarin para sa dalaga ay hindi simbolo 'to na may gusto siya na mahal niya 'to.
Aminado naman siya at inaamin niyang may tinatagong talento at mahusay si Rachel, pagdating sa business pero sa ugali ng babaeng 'yon kapag ginalit, ang mala-dyosang mukha nito ay mapapalitan ng mala-dragon na mukha. Hindi siya makakatagal at hindi niya kayang makisama sa isang babae na umaastang perpekto, eh, wala naman talagang perpektong tao. Lahat ay may kasalanan. Lahat ay nagkakamali.
Kumatok siya ng kumatok upang magising 'yon. Para sa kan'ya mas maganda sa umaga na lang niya makausap ang kan'yang mga magulang kaysa sa hapon. Katulad rin niya kasi ang ugali ng Mom niya, na may pagka-moody.
Nagtataka siya kung bakit wala man lang na tao na bumabangon sa higaan ng mga iyon. upang pagbuksan siya ng pinto. Sinilip niya ang bintana ng silid ng parents niya ay nakita niyang tahimik 'yon.
Hinanap niya 'yong yaya nila. "Yaya__ Nasa'n sila Mom at Dad?" tanong niyang nakakunot ang noo.
"Sir, may pinagbilin sa 'kin sila Don, na may lakad raw sila," tugon ni Yaya Carmen.
"Saan raw?"
"Hindi nila sa 'kin sinabi, Sir_"
"Okay salamat,"
Tumawag siya sa cellphone number ng kan'yang Dad at sumagot naman 'yon sa kanyang tawag. Maingay ang kinaroroonan ng mga magulang niya.
"Dad. Nasaan kayo ni Mom?" tanong niya. Halos ilayo niya sa kan'yang tenga ang kan'yang cellphone.
"Hindi pala namin nasabi sa 'yo na 34 years na kami ng Mommy mo. Anniversary namin ngayon, kaya umalis kami ng maaga. May date kami ng Mom mo," tugon ni Don, Marco.
"Pero___ D_ --Dad... Hello?!" Lakas niyang sabi. Nawawalan kasi ng cignal sa lugar na pinuntahan ng parents niya.
Ibinaba niya ang cellphone niya sa inis. Nabasag tuloy pati screen protector nito. Sa lakas ba naman ng pagbagsak niya, talagang masisira 'yon. Pumunta siya sa kusina upang magtimpla ng Kape at kumain lang ng malunggay sandwich. Hindi na siya nagpautos sa yaya pa kasi kaya niya naman mag-isang gawin ito.
Sa pagnguya pa lang ng tinapay ay gigil na gigil siya. Para bang ang tinapay na kinakain niya 'y may kasalanan sa kanya. Tinamaan na naman siya ng ugaling kaaayawan ng lahat.
"Mang Ruben, Halika?" tinawag niya 'yong tagalinis nila ng sasakyan.
Lumapit 'yon sa kan'ya. Pinunasan muna nito ang mga kamay upang mawala ang mga dumi sa palad ng tagalinis. Punong-puno kasi ng gasa ng gulong ang mga palad nito.
"Boss. May ipag-uutos ba kayo sa 'kin?!" kinakabahan na tanong ng tagalinis.
"Eh, baka naman may irerekomenda kang pwedeng maging boyfriend do'n sa inyo? Sabihin mo may reawards sa 'kin?" Parang baliw na tanong n'ya sa tagalinis.
"Boss! Bakla ba kayo?!" sabay yakap ng tagalinis sa katawan nito.
Natawa nang malakas si Jake. "Ako! Bakla?" sabay batok niya sa tagalinis. Nainis kasi siya sa inastang tanong nito. Sa tagal-tagal ng taon na naging driver nila ito. Ngayon pa tuloy ito na umasta na parang walang alam sa kan'yang pagkatao.
"Boss, mukhang binibiro ko lang kayo hahaha. Tingin ko kasi sa inyo ay parang ang mukha n'yo 'y seryoso. Parang kagaya ng dinaanan ng plantsa!" Biro nito. Close naman ito ni Jake pero mali ang oras na biniro siya nito.
"Wala akong oras sa ganyan bagay! Inuulit ko 'yong tanong ko kung may kakilala kang pwedeng maging boyfriend?" Pagsuplado nito. Nagtaas na rin siya ng boses sa inis.
"Boss... meron. Kaibigan ko-oh. Taga- dito rin lang sa atin. Kaso, boss bakit ka pala nagpapahanap ng lalaki, diba dapat babae?"
"Para sa Fiancee ko_ ayoko kasi sa kan'ya. Gusto kasi nila Mom at Dad na maging asawa ko 'yon at bonus pa 'yong anak." Sa pag-aasta niya ay parang hindi na siya nag-iisip ng tama.
"Hmmmm, Boss. Magagalit si Senyorita. Pero 'wag ka Boss, may kasabihan sa gan'yan. The more you hate, the more you love!" Masayang sabi nito.
"G*g* ka ba?!" Inis niyang tanong. Nagtiim bagang siya para mahalata ng matanda na naiinis siya.
"Boss, kalma!" Pagpigil ni Mang, Ruben. Hindi nito inakalang magagalit si Jake kaya nagpasya ang matanda na umalis upang bumalik sa ginagawa.
Nainis si Jake kaya umalis siya. Umakyat na lang siya sa kwarto niya at bumalik na muli sa pagtipa ng kan'yang loptop. Tanghali kasi ang punta niya sa office. Dahil sa gusto muna niyang magpahinga. Mayroon kasi siyang gustong puntahan kasama ang buong team ng kan'yang staff. Pero hindi pa naman sa ngayon. Nagpasya muna siyang matulog dahil sa hikab nang hikab siya.
__________________
May nagbusina sa parking lot ng kanilang mansion. Naroroon na at dumating ang kan'yang mga parents. Masayang magkayakap pa ang dalawa sa pagbaba ng kotse nito. Nakatayo lang siya sa sala at sadyang inaabangan niya 'yon.
"Son. Bakit tanghali ka na, wala ka pa sa office mo?" takang tanong ni Madam.
"Mom... Dad. Mag-usap nga ho tayo?" Iritang hiling niya.
"Bakit?" tanong ni Don.
"What happened Son?" tanong naman ni Madam.
"Mom___ Dad___ please i-cancel nyo ang kasal. Narinig ko kasi sa inyo ni Dad na malapit na ang kasal naming dalawa. Ako ang dapat magdesisyon, Dad, Mom. Hindi kayo?!" Mataas at madiin niyang boses.
"Walang modo ka ba talaga?" Singhal mi Don.
"Dad__ may sarili na akong desisyon... Please lang na kahit minsan ay pakinggan n'yo ako ni Mom! " Pakiusap niya, lalo ng sumama ang lóob niya. Hindi maipinta ang itsura niya habang nakatingin sa kan'yang mga parents.
"Basta 'y sundin mo lang kami, Son," sabay talikod ni Madam.
Halata na walang ganang makipagtalo ang kan'yang parents. Napagod nga talaga sila ng husto, kaso paano na? Paano na kung sakaling matuloy talaga ang kasal? May magagawa kaya siya. Nakatayo lang siya.
"Nahihilo ako, sa pagod. D'yan ka muna Son," Sapo-sapo ni Madam ang kan'yang noo habang palayo 'to sa kanya.
"Gan'to ang bungad mo?! Pag mayroon lang nangyari sa mommy mo eh, magkalimutan na tayo dalawa. Hindi kita ituturing na anak!" Lumingon si Don habang inaalalayan nito ang asawa.
Nagkatitigan silang mag-ama. Pagkatalikod ng parents niya ay nagkuyom ang mga kamao niya dahil sa pagkainis sa kan'yang sarili. Naglakad siyang patungong silid upang tawagan si Harold, na hindi muna niya aasikasuhin ang kumpanya. Masama ang lóob niya at kailangan niyang magwalwal ngayon. Balak kasi niyang magpunta mamaya sa bar upang magwalwal. "Mambabae muna ako," bulong niya.