Kabanata 7- Wedding

1505 Words
MARAMING handa na ang nakalagay sa isang mahabang table. Naroroon lahat ng mga yaya at iba pang mga tauhan ng Guerrera family sa mansion. Marahil ay kailangan ng maghanda ang groom at bride. Kaya kan’ya-kanya sila ng taga-ayos. Nasa salon silang dalawa. Inayusan ng itsura si Jake at nilagyan siya ng slight na lipstick at foundation. May taga-ayos siya na bakla at kilig na kilig ito sa kan’ya habang inaayusan. “Sir. Ang gwapo nyo!” Pagpuri ng maharot na bakla. Gusto man niyang maging seryoso ay hindi niya mapigilan tumawa. Namula rin kasi ang pisngi ng kan’yang taga-ayos. “Salamat,” mabilis niyang tugon. May tipid ang kan’yang boses. “Where is my bride?” tanong niya. “Sa ibang room, Sir__” Habang inaayusan siya 'y nakatingin siya sa salamin. Kahit na sa kan’yang sarili ay gwapong-gwapo siya. Hindi niya matatago 'yong itsura niya dahil sa kahit matanda na ang kan’yang edad ay gwapo pa rin s'ya. Kung baga nasa likas niya 'yong itsura na habul-habulin ng mga kababaihan. Tahimik na sana siya pero patuloy pa rin s'yang kinakausap ng bakla. “Madaldal talaga kapag bakla,” namuong kaisipan niya. “ Sir… alam nyo. Swerte sa inyo 'yong Bride mo. Kasi nga 'y bukod sa napakagwapo mo eyyyy… napakayaman pa. Ang galing ayyy isang sikat na CEO pa. Lahat ng mga kababaihan eyy naghahabol sa inyo. Like me charr… Hahaha joke lang po.” Sabay tawa nang malakas. Natatawa si Jake sa mga pinagsasabi ng baklang nag-aayos sa kan’ya. “Mabilis naman pala kayong mapatawa. Kung titingnan kasi kayo Sir, napakasuplado nyo at mayabang.” Seryoso na saad ng bakla. Biglang nagseryoso ang tingin ni Jake. “Ayosin mo huh. Baka, naman pumagit 'yong itsura ko sa kaharutan mo .” pagsita niya sa bakla. Hindi niya na kasi matiis 'yong kakulitan ng bakla. Pinigilan lang niya ang sarili na maging masama ang ugali. Tumayo siya bigla dahil sa tapos na syang ayusan sa mukha. “Akala ko talaga Sir, suplado kayo. Hindi pala.” Habang inaayos yong polo niya. Hindi maalis sa bakla ang ngiti nito sa labi. Hanggang sa matapos ng ayusan si Jake ay nagpasya ng umalis s'ya upang ihatid siya ng driver sa simbahan. Kailangan ng Mauna ang groom upang doon siya sa harap ng altar maghintay. Sinundo siya ng kan’yang Driver. Samantala kay Rachel ay mas lalo pa siyang gumanda ng siya 'y maayusan. Ang buhok niyang maalon-alon ay naging kulot naman. Ang suot niyang wedding gown ay talagang napakaganda. Bumagay sa kan’yang maliit na braso at balingkinitan niyang katawan, ang gown na kanyang suot. Napansin niyang sagana siya sa mamahalin na accessories. Kung titingnan ay hindi siya napaghuhulian sa pinakamayaman. Nakaugalian lang niya ang simple lang. Hindi siya nasanay sa ganitong mga kasuotan. Pero kinakailangan niyang magsanay magsuot ng mamahalin bagay. Tahimik ang taong nag-aayos sa kan’yang mukha. Gusto man niyang magkwénto eh, hindi pwede. Lalo pa sa hindi niya 'yon gaanong kakilala. Matapos siyang ayusan ay tumingin sya sa salamin at pinagmasdan niya ang kan’yang maamong mukha. “Ma'm. Ano pong masasabi nyo?” tanong ng babae. “Ah eh, ayos na ayos bhe,” tugon niya. “Pero parang mas tumaray ata ako sa make up bhe hahaha.” dugtong niya sabay tawa. “Eh, po! Gànyan talaga ma'm hahaha. Una lang naman po 'yan. Naninibago lang kayo sa make up nyo po ngayon,” tugon ng babae. Patuloy pa rin s'yang inaayusan hanggang sa matapos. Malapit ng magsimula ang kasal, kaya kailangan ng matapos ang make up. Mabilis na lumipas ang oras. Matagal-tagal rin siyang maayusan. **After one-half hour.** Tumayo na siya at dahan-dahan niyang inaangat ang kan’yang paa. Hindi kasi siya sanay magsuot ng heels na shoes. Naisipan siyang tulungan ng babae, dahil sa baka matapilok siya sa suot niya. “Okay lang ba bhe?” nahihiyang tanong niya. “Ayos lang Ma'm.” nakangiting tugon ng babae. Unti-unting humakbang ang kan’yang paa. “Kailangan po n’yo masanay sa pagsuot ng gànyan. Paano po 'yan mamaya Ma'm?” nakangiting tanong ng babae. “Oo Kaya ko naman kaso may pagkakataon na baka nga eh, matapilok ako hahaha.” Tinawanan na lang niya ang kan’yang sarili upang hindi siya kabahan mamaya sa paglalakad sa simbahan. Habang palabas sila sa salon ay may driver na nakaabang sa labas. Nakatayo iyon at mukha siya ang hinihintay. Mainit na rin sa kan’yang balat ang araw. Napansin niya na may magandang babae sa loob ng kotse. Sa di kalayuan ay natatanaw niya 'yon. Nakita siya ng driver, kaya naman ay sinalubong na s'ya nito. Inangat niya ang kan’yang wedding gown upang hindi madumihan. Nasa isipan niya ang kaba. Feeling niya ay mapapahiya s'ya mamaya kay Jake. Marahil na kahit private lang ang kanilang kasal ay s'yempre ay ayaw naman n'yang madismaya ang binata . “Besh! Kamusta ka na? “tanong ng babaeng nakasuot ng pang abay sa kasal. Natuwa si sa kan'yang nakita. Ang babaeng maganda pala sa loob ng kotse ay ang kan’yang matalik na kaibigan. “Oh… Besh! Masaya akong nakapunta ka. Akala ko naman hindi ka makakapunta gawa ng malayo,”saad niya. “Ano ka ba, Besh. Malakas ka kaya sa 'kin!” masayang niyakap ni Trina ang kaibigan na matagal ng malayo sa kan’ya. Matagal silang nagyakapan na parang batang miss na miss ang isat-isa. Matapos nilang magyakapan ay nagkwentuhan sila. She is Trina Rosales. A beautiful best friend with Rachel. Hindi maipinta ang mukha ni Rachel ng muli silang magkita ni Trina. “Senyorita. Aalis na po tayo.” Tumango na lang si Rachel. Umalis sila patungong simbahan. Napuno ang ingay ang loob ng kotse dahil sa mahabang kwentuhan ng magkaibigan. Imbitado lang naman sa kanilang kasal ay ang dalawa niyang kapatid at mga tiya at tiyo ni Jake. Ulila na siya sa ama. Maaga silang iniwan ng kan’yang tatay. Kaya naman ay wala siyang choice kundi ang Dad, ni Jake ang aakay sa kan’ya. Habang naglalakad ay kung ano-ano ang nasa isip niya. Ang kan’yang inang nasa hospital ay walang kamalay-malay ngayon sa kasalang magaganap. Kaya natatakot siya na malaman na lang ng ina niya na ipinagbili niya ang kan’yang sarili sa lalaki na hindi pa niya mahal. Maaari pa rin sa isang iglap ay maghiwalay silang dalawa ni Jake. At kinakabahala niya na baka kapag nagkaanak na sila eh, basta na lamang kukunin at ilalayo sa kan’ya ang kanilang anak . O isa man tong paraan para madebelop at mahalin siya ni Jake. At ang bigyan ito ng anak ang tanging solusyon. Bumaba siya sa kotse kasama ang kan’yang kaibigan. Kaibigan niyang hindi man lang siya siniraan ng patalikod. Matapang rin ito lalo sa lalaking loko-loko. Matangkad na payat at maputi ang balat. May sexy rin na katawan at hindi nalalayo sa edad ni Rachel. Nasa bente- tres ito. Sinalubong si Rachel ng Dad ni Jake. Nakasimangot naman ng tingin si Jake sa dalaga habang malayo ito sa kan’ya. Minuto rin bago nakalapit si Rachel at ang Daddy ni Jake. Inabot naman ng kan’yang Dad kay Jake ang kamay ni Rachel para magsimula na sila. Kaharap nila ang pari at nag-umpisa ng tanungin sila. Mahirap para kay Jake ang sagutin ang tanong ng pari. Ganun rin si Rachel ay natagalan rin sa pagsagot. Pero sapilitan nilang sinagot ang “Oo.” Hindi kasi nila pwedeng sirain ang kasal na ito. Dahil sa maayos na silang pinagkasundo. At Isa pa 'y sa ayaw man o sa gusto ni Jake ay mas tama na rin siguro ang ganito. Baka ito na rin ang kan’yang tadhana after his Fiancee, died. At ito na rin ang paraan para makalimot siya sa nakaraan. Hinikayat na ng pari na maghalikan sila. Kaya naman ay unti-unting iniangat ni Jake ang nakatakip sa mukha ni Rachel, kagaya ng kulambo. Ipinadama ni Jake ang kan’yang palad sa pisngi ni Rachel para dahan-dahan niyang mailapat sa labi nito ang kan’yang labi… hanggang sa marating ni Jake ang labi ng kan’yang magiging kabiyak, upang halikan. His feelings are compared on the battery they need a charged, para nga 'y gumana. Nadama ni Jake ang sparks on his wife now. Tuwang-tuwa sila Don, Marco at Madam Rhodora sa nasaksihan halikan ng dalawa. Feeling tuloy ng mga ito ay bumalik sila sa dating teenager. ang mga kapatid ni Rachel ay pinalakpakan sila ng ubod lakas. Pagkatapos ay nagpasya na si Madam at Don na umuwi sa Mansyon. Tahimik lang si Jake at nakaupo lang sa sofa. Malayo siya sa mga nagkakasiyahan dahil sa parang pakiramdam niya ay nais muna niyang mag-isa. Nakita niya si Rachel na inaasikaso ang mga kapatid nito. “Hindi ako makapaniwala na kasal na ako sa babaeng 'yon. Pero bakit wala akong nadarama na excitement sa kanya. Kahit kaunting love ay wala akong feelings kay Rachel. Crush ko s'ya but hindi ko siya gusto for have a daughter or son. “ Gulong-gulo ang kan’yang isipan. Umakyat siya sa kan’yang kwarto upang matulog. Wala siyang ganang makipag-usap sa mga taong naroroon. Ang gusto niya lang ay mag-isa sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD