Kabanata 8- Jake 's Behavior changes

1270 Words
SIX am in the morning. Maagang nagising si Jake, sakto rin na pinuntahan siya ng kan'yang Mom sa kan'yang silid upang kausapin. Hindi man lang siya nakakapaghilamos eh, kumatok na 'yon sa pinto at saka niya pinagbukasan. Nagulat siya sa mga reklamo ng kanyang Mom about sa kan'yang wife. "What? Mom. Ako pa talaga ang mali?!" Biglaan taas ng kan'yang boses. Naiinis kasi siya sa pag-asta ng kan'yang Mom, na siya pa ang mali sa kanilang dalawa ni Rachel. At kahit miski siya ay nagulat sa naging desisyon ng kan'yang asawa. Wala siyang alam na uuwi ito sa kanila. "Exactly, Son. Ikaw talàga. Sino pa ba? Kung tratuhin mo kasi ang asawa mo ay parang hindi mo siya asawa. Kahit sana miski kaunti ay bigyan mo ng halaga si Rachel. Ialis mo na kasi sa isipan mo ang nakaraan. Paulit-ulit ko na 'tong sinasabi sa 'yo. Son, alam mo subukan mo ulit buksan ang puso mo. Tingnan mo rin si Rachel as your wife. Oo ako ang may kasalanan. Pero 'wag mo siyang idamay sa galit mo. Minsan naman nakikita ko sa 'yo na okay ka. But after your wedding, same of your mood from her is changed!" Seryosong paliwanag ni Madam. Napayuko si Jake. "Mom need ko ng pumasok. Mamaya na tayo Mom, mag-usap. Please?" Pakiusap ni Jake. "Ayoko ng mamaya pa! Son. Now na. Kapag hindi mo sinuyo ang asawa mo para bumalik dito eh, kalimutan mo na ako bilang magulang mo... Na-istress ako sa'yo. Magpakatanda ka may Son. At your age ay wala akong inisip kundi ang kapakanan mo!" Naluluha na lang ang kan'yang Mom. Malakas nitong sinabi sa anak ang hinanaing nito sa anak. Kahit na hindi sang-ayon si Jake ay bumangon siya sa kama upang yakapin ang nakatayo niyang Mom sa harapan niya. Nakokonsensya siya na pinaiyak niya ang kan'yang Mom. "Mom, I'm sorry... Sorry sa ginawa ko. Susubukan kong mahalin si Rachel pero kung hindi ko kaya talaga siyang mahalin ay makikipag-devorce ako sa kan'ya. Kasi Mom, paano ko mamahalin ang tao na minsan ko lang nakilala tapos heto ang bilis ng panahon ay kasal na kaming dalawa. Nalilito ako sa feelings ko... Ewan ko ba kung kaya ko talagang magmahal pa. Tutal kasal na kami, susubukan kong mag-apologize sa kan'ya," mahabang saad ni Jake. " Nag-iisip ka ba?" tanong ng mom niya. Pinahid ni Jake ang pisngi ng kan'yang mom upang tumigil na ito sa pagluha. Mas lalo itong umiyak . Matapos niyang pigilan ang mom niya sa pag-iyak ay may binigay ito sa kan'ya na isang bagay. May ribbon pa ang lagayan, na naglalaman pa ng Graham's at salad. Naalala niya ulit ang kan'yang past Fiancee. Mahilig rin 'yon na magsorpresa sa kan'ya ng gift, like chocolate and cookies. Tinanggap niya ang inabot sa kanya ng mom niya at ngumiti siya. Nakayuko siyang masaya. Napaangat ang ulo niya ng magsalita ang mom niya. "Son, plano namin 'yan ng asawa mo. Siya mismo ang gumawa niyan. Ako lang ang naghalo. Siya ang nag-effort na gumawa niyan. Gan'yan siya kapag gusto ka niyang mapasaya. Nagsabi siya sa 'kin na iabot ko sa 'yo 'yan. Then ikaw lang ang unang pinaghandaan niya ng ganito. Sa maikling salita. Ikaw Son, ang first boyfriend niya and now ay husband na." Nakakaantig na sabi ni Madam. "I know it Mom. Ako ang unang Lalaki sa buhay niya," tugon ni Jake. "What! Son? Tama ba ang narinig ko?" "Yes Mom," tugon niya. Naupo silang mag-ina at sinabi niya ng unang beses pa lang nitong nahalikan si Rachel. " Ramdam ko kasi sa babae kapag First kiss lang. Natutulala Mom, tapos hindi na makapagsalita. Nag-usap kami, Mom. At nalaman kong First kiss niya 'yon sa 'kin." Kwento ni Jake. Nahampas tuloy siya ng mom niya sa kan'yang braso. " Son, kasi ang mga babae ay tinatrato sa magalang na paraan. Naku talaga! Hindi ko alam kung saan ka nagmana. Ang Dad mo naman ay hindi naging babaero like you, Son." Umalis na si Madam upang magpunta sa bonggang party sa kaibigan nito at kasama so Don Marco. Pagkatapos ni Jake na magbihis ay agad na siyang nagmaneho ng kan'yang kotse. Habang patuloy siyang nagmaneho ay nasa isipan niya 'yong sinabi ng kan'yang mom. Naisip niya na maging mabait kay Rachel. "Damn! Ano? Ako pa 'yong magiging under ng Misis ko!" Napapalo siya sa munubela ng kotse habang nagsisigaw. Sakto paliko na siya malapit sa Jollibee at saktong nakita niya si Rachel. Naglalakad 'yon at mukhang papunta 'yon sa terminal ng bus. Uunahan na niya upang maisabay ito. Dahan-dahan lang siyang nagmaneho nung una. Pero nagbago ang kan'yang isip dahil sa inunahan niya iyon at hinintuan. Pilit niyang pinapasakay pero ayaw nito. Hanggang sa nag-isip siyang bumaba at para buhatin si Rachel. Kahit anong pilit na bitawan siya, hindi niya sinunod ang asawa niya. Pagkakataon na kasi to para makabawi muli sa kan'yang misis. Nainis siya ng magmatigas talaga ito sa kan'ya. Panay na lang kasing bigkas nito na single on one week. Sa sobrang yamot niya ay sinunod na lang nito ang gusto ni Rachel na bumaba sa kan'yang kotse. Umalis siya matapos iyon. May di kalayuan na lang naman ang layo papunta sa office niya. Kaunting lakad na lang kaya ayos lang 'yon sa asawa niyang matigas ang ulo. Nakarating si Jake sa office. Hindi niya maintindihan ang kan'yang pakiramdam. Gusto muna niyang kausapin si Rachel bago niya kausapin 'yong VIP na naghihintay sa kan'ya. Importante si Rachel dahil sa magagalit at mangungulit na naman sa kan'ya ang Mom niya. Naiirita na kasi s'ya sa ingay nito kapag sinesermunan siya. Nakaupo lang siya sa swivel chair at hawak niya ang kan'yang ballpen. Ganito kasi ang hobby niya kapag may hinhintayin na tao. Tumingin siya sa cellphone niya. Naisip niya na wala palang cp ang asawa niya. Eh malapit na ang kaarawan nito. Sinabi sa kan'ya ni Mom niya, kaya nalaman niya. Marami pa talaga siya na dapat alamin sa buhay ng kan'yang asawa. Nasa isip niya rin na puntahan kaya nilang mag-asawa ang Nanay nito. Gusto n'yang makita kung ano ang kalagayan na ng Nanay ng asawa. Kasi mula ng maikasal kasi silang dalawa ay hindi pa niya nakikita ang nanay nito. Tumingin ulit siya sa cellphone niya. Ayaw niya kasi sa relo. Gusto niya sa cellphone. Nakakatawang isipin pero mas kumportable siyang tumingin ng oras sa cellphone. Maya-maya 'y may narinig na siya na pinipihit ang door knob ng pinto upang buksan. Kutob niyang si Rachel na 'yon. Kaya naman ay mabilis siyang nag-ayos ng buhok at upo. "Hm... Ehem... Bakit ang tagal mong dumating? Late ka ng 6 minutes. Ayokong laging late ang Secretary ko?!" tanong niya. Habang nagsasalita ay nakataas pa ang kan'yang kanan kilay. "Sir... Eh, sorry po huh. Meron lang kasing tao na nang-alok sa 'kin at pinilit akong buhatin. Kaso iniwan lang ako sa ere. Ako man talaga ang may kagustuhan nun. Pero sana 'y tànggapin nyo Sir, na late ako palagi. Malayo naman ang hospital dito sa office mo." Pangtataray ni Rachel kay Jake. Pinamumukha talaga nito kay Jake na mali pa siya. "Lahat ng sasabihin mo sa 'kin na dahilan ay hindi ko matatanggap. Ang sa 'kin lang ang Sekretarya ko dapat ay naririto sa tabi ko. I mean na dapat lagi kang nandyan sa mga Gawain na pinapagawa ko. And please 'wag mo kong tawagin Sir, kung tayong dalawa lang. Hindi ako kumportable sa tawàg mo. Jake or Honey pwede na 'yon. Mamili ka sa dalawa." Nangiti si Jake matapos sabihin ito sa asawa. Tinalikuran siya bigla at hindi man lang siya pinansin nito. Kutob niyang nagalit ito, este pakipot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD