“Okay ka lang?” Halos manginig sa takot si Beverly nang makarating sila sa hotel na tinutuluyan. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakaupo sa kama na napansin naman kaagad ni Lance. Sa pag-aalala ay kaagad niyang nilapitan ang dalaga, umupo sa tabi nito ay inakbayan siya. “N-Natatakot ako, Lance. P-Paano kung mahuli na niya ako? Pa’no kung mahuli niya tayo? Ayaw kong magkahiwalay tayo…” nangingilid ang mga luhang turan ng dalaga nang ibaling nito ang paningin sa katabi. Kitang-kita naman sa mga mata ni Lance ang pag-aalala. Hindi rin niya kakayaning magkahiwalay sila ng dalaga. Baka hindi na niya kayanin kapag nawalay sa kaniya si Beverly. “Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo. Gagawin ko lahat para hindi ka nila makuha sa akin. Puprotektahan kita hangga’t kaya ko, hangga’t nand

