“Bitawan n’yo ‘ko!” may pagpupumiglas na wika ni Lance habang kinakaladkad siya ng mga hindi kilalang tao sa kung saan. Wala siyang ideya kung nasaan siya sapagkat may nakasaklob sa kaniyang ulo at hindi niya alam ang lugar na pinagdalhan sa kaniya noong mga oras na dinukot siya at tinutukan ng barin ng isang lalaki. “Upo!” sigaw ng isang lalaki na padabog siyang pinaupo. “Sino ba kayo? Ano bang kasalanan ko sa inyo?!” Umupo sa harapan niya ang isang lalaki at bumulong ng, “Sa amin wala. Pero sa boss namin, meron.” “Mga hay*p kayo! Sa oras na makawala ako rito, bubugbugin ko kayo isa-isa.” Ang pagbabantang iyon ni Lance ay balewala para sa mga lalaking dumukot sa kaniya. Sa halip na matakot ang mga ito ay sabay-sabay lang na nagtawanan. Ilang saglit lang ay may narinig siyang boses

