“Pareng Kiko, sigurado ka ba?” Nawindang si Lance sa sasakyang nais ipahiram sa kaniya ng kaibigan. Hindi niya akalaing iyon ang sasakyang ipapahiram sa kaniya nito kaya abot langit ang hiya niya. Sino ba namang hindi magugulat, isang pick up car truck ang gustong ipahiram sa kaniya ni Kiko para sa date nila ni Beverly? Motor lang sana ang balak niyang hiramin dito pero hindi ito pumayag dahil espesyal daw ang araw na iyon kay Lance kaya dapat ay maging espesyal din ang gagamitin nitong sasakyan. “Oo naman, Pare. Hindi naman ako papayag na lumang motor ko ang gagamitin mo. Ayaw kong mapahiya ka kaya ito na lang ang ipapahiram ko sa ‘yo. Sigurado akong sasagutin ka na kaagad ng nililigawan mo,” may kompiyansang wika ni Kiko sa kaniya. Labis naman ang tuwang naramdaman ni Lance sa sinabin

