“Pare, seryoso ka ba talaga sa kan’ya?” Hindi alam ni Lance kung bakit duda si Billie sa intensyon niya kay Beverly. Abala nitong pinupunasan ang mga hinugasang baso ng kaibigan at napagkuwentuhan nga nila ang nangyari. Noong gabing iyon ay halos lamunin si Lance ng kaba sa dibdib dahil sa pag-amin ni Beverly sa kaniya ng totoong nararamdaman. Pero hindi kasi ganoong kadali kay Beverly na ibigay sa kaniya ang lahat lalo’t alam nitong hindi pa niya napapatawad ang sarili sa nakaraan. Hindi nga rin alam ni Lance kung paano niya ikukuwento kay Beverly ang mga nangyari noon kasi magpasahanggang ngayon ay naroon pa rin ang sakit sa pagkawala ng kasintahang si Andrea. “Seryoso ako. Kilala mo naman ako, ‘di ba? Hindi ko gagawin ang isang bagay kung hindi ako sigurado,” sagot ni Lance. “Oo nga

