“What?! Are you serious?!” Halos malaglag ang panga ni Hailey nang mabalitaan ang mga nangyari noong gabing umamin sina Beverly at Lance sa isa’t isa. Matapos kasi ang gabing iyon ay para bang nagkaroon na ng gap sa pagitan ng dalawa. Hindi na makakilos nang maayos si Beverly sa puder ng binata. Kung dati ay parang okay lang sa kaniya na gumawa ng mga bagay na nakasanyan, ngayon ay parang nagiging limitado na ang lahat dahil nagkakaroon na sila ng ilangan. “Girl, wala ka pang one-month pero ang dami na kaagad nakapila sa iyong boys,” sarkastikong wika naman ni Leticia. Magkakasama ang tatlo sa isang restaurant at pinag-usapan ang mga bagay na nangyari kay Beverly nitong mga nakalipas na araw. Maging ang dalaga ay nakibalita rin sa kaniyang ama. Naroon pa rin ang pag-aalala niya pero sin

