“Nagseselos ka ba?” Sa tanong na iyon ni Beverly kay Lance ay tila natigilan ang binata sa narinig. Para kasing hindi na tama na pati ang pagpayag niya sa panliligaw ni Luke ay kokontrahin pa niya. Kahit naman kasi magkasama sila sa iisang bahay ay hindi naman ibig sabihin niyon ay kailangang bantayan siya ng binata sa loob ng bente kuwatro oras. May sarili rin naman kasi siyang buhay kaya hindi kailangang ilaan ang buong araw ni Lance sa kaniya. “H-Hindi, ah! Bakit naman ako magseselos?” depensa ng binata. Pero ni hindi nito magawang makatingin nang diretso sa mga mata ni Lance. Napansin naman ni Beverly na isinuksok nito ang kamay sa bulsa. Naalala ni Beverly ang sinabi ni Luke sa kaiya tungkol kay Lance. Alam daw nito na nagsisinungaling ang kaibigan kapag hindi nito magawang maka

