Blangko ang mga matang nakatingin sa kisame habang nakahiga sa sariling kama. Ganyan ngayon ang hitsura ni Lance. Nakapatong ang kanang braso habang lagpasan ang tingin sa itaas na bahagi ng kaniyang apartment. Ang daming katanungan sa kaniyang isipan matapos ang usapan nila ni Billie. Hanggang sa mga oras na iyon ay naguguluhan pa rin siya sa sarili. May nararamdaman na ba siya para kay Beverly? “Imposible…” wika niya sa sarili na pilit itinatanggi ang ang mga tumatakbo sa isipan. Wala sa hinuha niya na magkakagusto siya kay Beverly. Hindi rin niya planong magkagusto sa kahit na sino simula no’ng mawala sa buhay niya si Andrea. Masyado pa kasing maaga para sabihing may pagtingin siya kay Beverly. Kamamatay lang ng dati niyang kasintahan at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa p

