Isang taon na ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Lance ang mga nangyari. Sino ba namang hindi makakalimot sa aksidenteng kinasangkutan ng isang kaskaserong truck driver na kumitil ng isang inosenteng buhay? Malakas ang ulan noon, hindi alam ni Lance kung itutuloy niya ang balak na pag-alis papunta sa Saudi par magtrabaho bilang isang factory worker sa gawaan ng isang laruan. May offer na sa kaniya ang agency papunta sa nasabing bansa pero nagdadalawang-isip siyang umalis sapagkat ayaw niyang iwan ang kasintahan. Alas-otso na ng gabi nang tingan niya ang relong pambisig. Alas-dose pa naman ang flight niya pero inagahan niya dahil gusto niyang makasama ang kasintahan bago ito umalis. Hindi mapakali ang binata. Panay ang tapik nito sa handle ng kaniyang maleta at lumilinga-l

