“Lance?” Sinipat ni Beverly kung tama ang nakikita niya. Lumapit pa siya sa kinaroroonan ng pamilyar na na nakita. Saulado niya. Tandang-tanda niya na ganoon ang kasuotang ibinigat niya kay Lance kahit pa naka-jacket ito. Pamilyar din ang suot nitong pambaba at tsinelas kaya imposibleng magkamali siya. Nakakapagtakang naroon si Lance. Sa pagkakaalam niya ay iniwan niya ang binata sa bahay kaya hindi niya alam kung bakit sinundan siya nito roon. Bahayang sumilip si Lance sa kaniya. Marahan nitong inalis ang menu na hawak dahil halata namang itinatago nito ang mukha nito roon. Pero buking na siya. Mapakla ang ngiti Lance na tumingin sa kaniya. “H-Hi, Beverly…” Tila nahihita pa itong kumaway sa kaniya. “A-Ano’ng ginagawa mo rito? And who’s with—” Tatanungin sana ni Beverly kung sino ang k

