Mabuti na lang talaga at Linggo noong araw na iyon kaya sarado ang cafeteria na pinapasukan ni ni Lance. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sundan ang dalawa. Gusto lang niyang makasigurado kung saan dadalhin ng kaibigan niyang si Luke si Beverly. May tiwala naman siya sa kaibigan pero hindi niya kasi maatim na sa mga k’wento niya madalas sa kaniya ay dinadala niya talaga sa mga hotel ang mga babaeng nakaka-date niya. Hindi niya alam kung totoo bang ginagawa ng kaibigan iyon o nagyayabang lang ito para ipakita sa mga kaibigan nila kung gaano siya kagaling magpaikot ng ulo ng mga babae. “Ayun sila!” wika ni Lance sa sarili nang makita ang dalawa na sumakay ng taxi. Pinagbuksan pa talaga ni Lance ng pinto ang dalaga bago ito sumakay. Mukha naman kilig na kilig si Beverly sa ginawa ng kai

