“Beverly, nandito na tayo.” Nagising ang dalaga sa marahang pagtapik ni Lance sa kaniyang pisngi. Mumukat-mukat pa ito nang imulat ang mga mata at iangat ang kaniyang mukha. Bumungad sa kaniyang harapan ang nakangiting binata. Halatang pagod saa pagmamaneho pero may lakas pa para sa kaniya. “S-Sorry, nakatulog na pala ako,” wika nito nang umayos ng upo at hawiin ang magulong buhok. Hindi niya namalayan ang kanilang pagdating sa lugar na pagdadalhan sa kaniya ng binata. Nilinga-linga niya ang paligid ngunit dahil bagong gising ay kadiliman ang unang sumalubong sa kaniya. “Nasaan tayo?” usisa niya na may mangilan-ngilang liwanag na nasisilayan pero ang mas nakatawag ng kaniyang atensyon ay ang tunog na tila hampas ng alon sa dalampasigan. “Ito na ‘yong surpresa ko sa ‘yo,” wika ni Lance n

