Chapter 28

2224 Words

“Hayop ka, Tito Dennis!” paulit-ulit ang sigaw na iyon ni Beverly nang makasakay na sila sa kotse ni Hailey. Halos lumitaw ang ugat niya sa noo at maglabasan ang litid sa kaniyang leeg dahil sa silakbong nararamdaman. Gusto niyang saktan ang matandang lalaki at ipagtanggol ang ama sa mapang-aping si Dennis subalit hindi niya magawa. Tanging ang back seat ng passengers’ seat ang napagbuntunan niya ng galit noong mga oras na iyon. Pilit naman siyang inaawat ni Lance subalit hindi mapigilan ang dalaga. Hinahayaan lang siya nina Hailey at Leticia habang nagwawala sa loob ng sasakyan. Maging sila ay nahabag sa nakikitang reaksyon ni Beverly. “Tama na, Beverly,” awat ni Lance subalit patuloy pa rin sa pagwawala ang dalaga. “Hayaan mo lang siya, Lance.” Natigilan naman ang binata sa ginagawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD