Buong araw ay nag pokus na lamang si Uly sa trabaho niya. At nang matapos ay agad siyang umuwi para mag impake para sa pagpunta niya sa Bohol. "He's a liar, couz." tila may kirot sa pusong sambit ni Pisces. Ang buong akala niya ay araw-araw ang binata na dadalaw sa kanya. Nag-expect siya. Pero bakit? Matapos niyang sabihin dito na pag-iisipan niya ay hinahanap niya ngayon ang binata. "Ano ka ba, couz? Siyempre busy rin iyong tao. Like you. Owner ng hotel. Of course busy. Bakit kasi pinauwi mo pa? Sana pinikot mo na." pilyang sabi ni Eloiza. Kahit kailan talaga ay hindi ito makausap na matino. "Pikot ka riyan. Sa ganda kong ito? Mamimikot? Ew..." akala mo naman ay talagang napakaganda niya. "Then don't look for him. Busy iyong tao for sure. Kapag nagka-time iyon ay tatawagan ka rin niya

