ANG LALAKI

897 Words
Ang lalaki na kilala sa pangalang "Anton" Andres Torch - ang tunay niyang pangalan.. pero walang tagalabas ang nakaka alam nito, bukod sa mga kasama niya sa bahay. Sanay na siya sa ganitong umaga. Tahimik. May mga ibong nagtatakbuhan sa buhangin. May iilan pang bangkang nakarating mula sa laot. “Cesar! Pakisabit na ’tong lambat sa likod!” sigaw niya sa hardinero na madalas ding tumulong sa pangingisda. “Opo, sir,” sagot ni Mang Cesar. At habang papasok siya sa lumang bahay nila, malaki pero luma, may antigong poste at lumang pintura, narinig niya ang tinig ng kasambahay nilang matanda. “Anton! Huwag kang magpapasikat sa araw! inom ka muna ng tubig!” sermon ni Aling Puring na nakasoot ng apron. “Magpapahinga lang po ako,” sagot niya, tinanggal ang basang t-shirt at tumira na lang ng puting sando. Lumapit si Aling Puring, napakunot ang noo sa basang buhok ng binata. “Ay naku, anak… bakit ba hindi ka na lang maghanap ng asawa? Para may mag-aalaga sa’yo. Hindi ka na bumabata.” “Huwag na po, ’Nay.” “Bakit ba ayaw mo na sa pag-ibig, ha?” Hindi sumagot si Anton. At tulad ng dati, nahinto ang usapan. Habang naglalakad si Daniela papunta sa dulo ng baybayin, nakikita niya mula sa malayo ang mga trabahador doon. Maraming bangka, maraming tao, maraming isdang tinatanggal sa lambat. Pero isa lang ang tumatak sa paningin niya. Siya nga.. Si Anton. Nakasando, basang buhok, may hawak na kahoy na parang bigat na bigat pero parang wala lang. At kahit malayo, ramdam niya ang presensyang hindi niya maipaliwanag. At dahil she’s Daniela... the girl who wants what she wants...lumapit siya nang kaunti. Pero bago pa siya makalapit, may tumawag kay Anton mula sa kabilang banda. “Sir Anton! Dumating na po ’yung order sa market!” Nag-angat ito ng tingin. Sakto sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila. Muli. At mas matagal ngayon, may thrill na kahit hangin ay hindi makapag-papigil. Daniela felt her throat tighten."Ano ba ’to? Bakit parang hindi ako makahinga?" Mabilis siyang lumingon sa ibang direksyon. Nagkunwari ang maldita na walang nakikita. “Sh*t,” bulong niya. “Bakit ako kinikilig?! Sino ba ’yun?!” Pero hindi niya alam na mula sa malayo, hindi rin makaiwas ng tingin si Anton sa kanya. “Hmmm…” bulong ni Mang Cesar. “Parang may napansin ako, sir.” “Wala,” sagot ni Anton. “Wala raw,” ngisi ng matanda. “Pero ’yung mata mo, anak, parang may tinatago.” Hindi na sumagot si Anton. Pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon. May tumama sa dibdib niyang matagal nang nananahimik. Bandang hapon, habang naglalakad si Daniela pauwi mula sa klase, dumaan siya uli sa gilid ng pamilihan. Hindi siya dapat dadaan doon. Dahil maraming tao, maraming tanong, maraming nakakakilala sa apelyido niya. Pero na-curious siya. Gusto niyang makita si Anton. Bagong interest. Bagong distraction. Bagong dahilan para hindi pumasok bukas. At hindi niya inasahan… Na siya mismo ang lalapit sa lalaki. "s**t. napaka-weak ko para hanapin siya. Para bang siya lang ang lalaki sa mundo?!" pagpapaalala niya sa sarili. Habang abala si Anton sa pag-aayos ng isdang kakarating pa lang, may biglang sumulpot sa harapan niya. Si Daniela. Nakangiti. Matangkad ang tindig, na parang may gustong ipagmalaki, kayabangan. Pero maganda. “Hi,” sabi niya. Tumingala si Anton. Hindi agad nagsalita. Parang nagulat na nandito siya. “Uh… hi?” sagot niya, hindi sigurado kung bakit siya kinakausap ng babaeng halatang hindi taga-rito. Nakangiti pa rin si Daniela. “You’re… Anton, right?” Tumigil si Anton at nagtaas ng kilay. "Paano mo nalaman?” “You’re kind of… noticeable.” “Ah,” sagot niya, tumingin sa isda. “Kung gano’n. Ayos.” Napakunot ang noo ni Daniela. " Hindi ba siya nabighani sa kagandahan ko? Anong klaseng charm ng isang babae kaya ang tipo niya?" “Wow,” bulong niya. “Tingin mo hindi ako nasanay na napapansin?” Hindi sumagot ang lalaki. "Si Daniela Guspe ’to." sinabi niya ang pangalan niya bilang pagpapakilala, pero wala sa kanya ang attensyon nito. Sanay siyang sinusuyo, at sanay siyang pinupuri ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero itong lalaking to? Hindi tumitingin. Hindi nagpapakita ng interes, at hindi nagpapakita ng kahit ano. Kaya mas naging curious siya. “So… mangingisda ka?” Tumingin si Anton sa kanya. “Oo.” “You look… too clean to be one.” Napahinto si Anton, at tumingin sa kanya ng deretso. Huminga ito ng malalim, at pawisan saka sinabing, "Hindi mo kailangan maging madumi para maging totoo.” At doon siya napipi. Hindi dahil sa sagot. Kundi dahil sa boses niya—mababa, kalmado, may kurot sa dibdib. At bago pa makasagot si Daniela… Lumapit si Mang Cesar at bulong: “Sir, ’yan ba ’yung nakita mong dalaga kanina?” Umatras si Daniela, hinila ang buhok, kunwari hindi niya narinig. Pero nakita niya kung paano tumigas ang panga ni Anton. At doon niya nalaman… na napansin pala talaga siya ng lalaki. Saka umalis sa lugar na may kilig. Nag-init ang pisngi ni Anton. At habang lumayo si Daniela, hindi niya namalayang sumusunod ang tingin ni Anton sa bawat hakbang niya. At ang lalaking walang interes sa babae, ay biglang nagtanong kay Mang Cesar: “Sino ba siya?” Ngumisi ang matanda. “Naku, anak… problema mo na ’yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD