Mainit ang araw sa probinsyang iyon, ‘yung tipong kapag lumabas ka ng bahay ay malulusaw ang utak mo sa init. Pero si Daniela Guspe, nakasuot ng oversized sunglasses at white crop top, naka-mini skirt pa kahit tanghaling tapat, hindi iniinda ang sikat ng araw. Hindi rin niya iniinda ang klase niyang 10 AM sa Business Management.
Ayaw niya pumasok...ULI.
At kahit sigaw nang sigaw si Samanta, ang kanyang kaibigan at kaklase, habang naglalakad siya paalis ng campus, hindi iyon naging dahilan para tumigil siya.
“Dan! Hoy, Dan! Saan ka na naman pupunta?!” sigaw ni Samanta, kinakawayan siya habang pawis na pawis sa paghabol.
Hindi lumingon si Daniela.
“I’m not in the mood, Sam. Kapag pinilit mo akong pumasok, magtatampo ako sa’yo for one week,” sagot niya, sabay taas ng kilay at hawak sa baywang, sakto sa attitude niyang "rich brat on vacation."
“Hala siya, nagbabanta pa,” bulong ni Samanta pero humabol pa rin ito.
Nang marating nila ang gate, ngumiti si Daniela, yung ngiti ng babaeng determinado sa misyon niyang pag-iwas sa klase.
“Tara na,” sabi niya.
“Tatawag si Miss Forres nito mamaya,” pangamba ni Samanta.
“Bahala siya sa buhay niya,” sagot ni Daniela sabay irap.
Pero ang totoo, may isa siyang gustong takasan, hindi ang teacher niya, hindi ang subject niya. Kundi ang sariling buhay.
Ang pamilya niya, bawat galaw niya may nakabantay. Ang pangarap niyang mag-aral sa States, palaging kinokontra ng mga magulang. Gusto niya sanang bumalik doon para sundan ang lalaking iniwan niya, ang unang lalaking “tota” niya, gaya ng tawag ng mga pinsan niya noon.
Hindi masama ang pamilya niya, pero masyado silang nakakahon. At doon nagsimula ang pagiging rebelde niya.
At doon nagsimula ang madalas na cutting class niyang ito.
“Tanghali na, Dan. Saan na naman tayo?” tanong ni Sam.
“Sa dagat. Gusto ko ng hangin. Gusto ko ng tunog ng alon. Gusto ko ng freedom.”
“Freedom? Parang tumakas ka na nga kahapon, ah?”
“Freedom ulit,” sagot niya sabay tawa.
At pagdating nila sa daan papuntang dalampasigan, huminto si Samanta.
“Dan… I can’t go with you today. May quiz ako kay Miss Forres doon sa kabilang section. Baka pagbintangan tayong gumagawa ng kulto sa pag-cutting.”
Nagkibit-balikat si Daniela. “Fine. I’ll go alone.”
“Sure ka?”
“Sam, I’ve been doing this since week one. Kaya ko.”
Iniwan niya ang kaibigan at naglakad mag-isa pababa sa tabing-dagat. Dinama niya ang hangin, malamig, maalat, at malaya. Ito ang gusto niya. Dito siya nakakahinga.
Pero hindi niya inaasahan… na may makakasalubong siya.
Isang lalaki. Tahimik. Malalim ang tingin. Basang-basa ang buhok at shirt, halatang kagagaling lang sa dagat. Nakasabit sa balikat nito ang isang lambat.
At malaki ang braso. As in, malaki.
Parang kontrabida sa teleserye na biglang bumait.
Napatigil si Daniela.
Sh*t. Ang pogiiii...
Pero hindi iyon ang unang kumalabog sa dibdib niya.
Kundi ang titig ng lalaki, yung uri ng tingin na parang nakikita ang totoong ikaw, hindi ‘yung persona niyang pasaway at bratty.
At sa ilang segundo, nagkasalubong ang mga mata nila.
Siya ang nauna sa pag-iwas.
Hindi niya alam kung bakit.