Xia's POV "Kailan kayo lilipat ng bahay?" tanong sa akin ni Dad. "Sa sunday po," sagot ko. "Wag mo kakalimutan na tawagan ako kung may nararamdaman kang masakit. Buntis ka pa naman," sabi sa akin ni Dad. Tatlong linggo pagkatapos namin ikasal ni Zander, nalaman ko namin na buntis ako. Sobrang saya nga namin mag-asawa nung nalaman namin na magkakaanak kami. "Yes Dad," tugon ko. Habang kumakain ng apple. Nandito ako ngayon sa HQ ng AVO. Si Dad nagresign na sa hospital na pinagtatrabuhan niya pagkatapos namin masigurado na si Mr. Tan ang nasa likod ng lahat ng illegal na gawain. Ayon sa nalaman niya, pinagpatuloy lang ni Chairman Tan ang business na iniwan sa kanya ng kanyang pumanaw na ama. Isang palaisipan pa rin sa amin kung paano nila nalaman ang tungkol sa paglikha ng Artific

