Claude's POV Parang kailan lang katatapos lang ng kasal ni Zander. Ngayon nandito nanaman kami sa kasal ni Stella. Ano ba meron at mga nagsikasalan sila? "You may kiss the bride," sabi ng pari. Tinaas na ni Xavier yung bello ni Stella at saka sila naghalikan. Nagsipalakpakan kami kasabay ng pagbati sa kanila. "Sino kaya susunod na ikakasal?" tanong ni Jason. "Alam ko kung sino," sagot ko sabay tingin kay Trevor. Ganun din si Zander. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Hindi pa nga ako sinasagot ni Bliss. Kasal agad?" sambit ni Trevor. "Doon ang punta niyo. Kayo na may lovelife," sabi ko. "Tigilan mo na kasi yung pambabae. Magseryoso ka na, hindi ka na bata," sermon ni Trevor sa akin. "Hoy tumigil na kaya ako sa pambabae. Dalawang araw na ako single," reklamo ko. "Tapos buka

