Chapter 20

1785 Words
Xavier's POV "Sigurado ka bang sasabihin mo sa kanila?" tanong sa akin ni Jason habang papasok kami sa sementeryo. "Yeah! Malalaman din naman nila yun. Mas magandang sabihin ko na agad." "Ikaw bahala." Tumigil na kami sa paglalakad. Tinignan ko ang limang bampira at isang tao na naghihintay sa amin. "Yow!" bati sa kanila ni Jason. Binaba ko ang dala kong bulaklak sa puntod nila Mama at Papa saka sinindihan ng kandila. "Isang araw nagising na lang ako na nasa kabao na ako. Nakalibing sa ilalim ng lupa. Halos mabaliw ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa may narinig akong tinig." Noong nakaraang apat na buwan, "Calvin, naririnig mo ko? Saglit na lang," sigaw ni Jason. Bumukas ang kabao. Napapikit ako dahil sa liwanag na nagmumula sa flashlight. "Inumin mo ito,"  sabi ng lalaking kasama ni Jason.  May binigay ito sa aking bote. Nang makita kong kulay pula ang laman nito l, una kong naisip na dugo iyon. Nakaramdam ako bigla ng uhaw at agad ito kinuha upang inumin.  Hindi ko maintindihan kung ano nangyayari aa akin, para bang naghahanap ang katawan ko ng dugo. "Sorry, kung nahuli kami ng dating. Hindi ko agad nalaman yung nangyari sayo." sabi ni Jason. "Calvin anak!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. "Mommy!" sabi ko habang hindi makapaniwala sa nakikita ko. Kahit matagal ko na siyang hindi nakita wala pa rin nagbago sa itsura niya. Kung ano itsura niya nung iniwan niya kami, ganun pa rin ito. Niyakap niya ako ng mahigpit. Napatingin ako sa lalaking nagbigay ng dugo sa akin, doon  ko lang  napagtanto na si Daddy ito. Hindi ko siya agad nakilala dahil sa bigote niya. Kasalukuyan, "Doon ko nalaman na artificial vampire pala sila mommy. Sila ang kauna-unahang tao na ginawang artificial vampire. Ayon sa kanila magiging bampira lang ang katulad namin oras na mamatay kami. Pagkalipas ng ilang araw o lingo mula  noong namatay kami, muli kaming mabubuhay bilang bampira," pagkukwento ko. "Ibig-sabihin una pa lang artificial vampire na kayo?" tanong ni Claude. Tinanguan ko siya bilang tugon. "Si Xia, kamusta siya?" tanong ni Trevor. "Hindi pa rin siya nagigising," sagot ko. "Pwede ba namin siya makita?" tanong ni Bliss. Umiling ako bilang tugon. Tulad ng sinabi ko hindi ko hahayaang makita nila ito. Hindi din pwede na malaman nila kung saan kami nagtatago. "Pagkagising niya pupunta kaming America. Doon muna kami titira. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero siguradong babalik kami. Hanggang dito na lang masasabi ko sa inyo." Sinenyasan ko si Jason na aalis na kami. Baka magtanong pa sila ulitbat gamitan nila ako ng skills nila sa pag-iimbisitiga. "Stella, gusto mo sumabay sa amin?" tanong ni Jason. "Ayos lang ba?" "Oo naman. Diba Calvin?" "Ilang beses ko ba sasabihin  sayo na Xavier na itawag mo sa akin," tugon ko sabay lingon sa kanila. "Sorry bro. Mas sanay akong tawagin kang Calvin." Napabuntong hininga na lang ako saka tinignan si Stella. "Bilisan niyo maglakad," sabi ko saka sila tinalikuran. "Tara na Stella." Naramdaman ko na lang ang paglapit nila sa akin upang sabayan ako sa paglalakad. Hinatid na muna namin si Stella bago umuwi. "Pwede niyo ba ako balitaan tungkol kay Lei?" tanong ni Stella pagkababa niya. "No. Wag ka mag-aalala, ayos lang siya. Magiging maayos siya," sagot ko. "Kasalanan ko kung bakit siya napahawak." "Wala ka kasalanan. Una pa lang target na siya ni Mr. Navarro." "Pero dahil sa akin kaya siya nahuli." "Hindi gugustuhin ni Xia na sisihin mo ang sarili mo. Sigurado ako kahit alam niya na mapapahamak siya mas pipiliin niyang pumunta para sa kaligtasan mo. Kahit iniiwasan ka niya, ganun pa rin ang tingin niya sayo. Ikaw pa rin si Stella na matalik niya kaibigan." Umiyak siya bigla. Kumuha ako ng panyo at binigay sa kanya. "Babalik din kami. Makakasama mo din si Xia ulit. Pagbalik namin sigurado ako na kakausapin ka niya ulit." "Salamat. Mag-iingat kayo." "Ikaw din." Nagmaneho na ako paalis habang kaya ko pa pigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ayoko makita siyang malungkot. Gusto ko siya patahanin pero baka matakot lang siya sa akin kapag ginawa ko yun bigla. Kilala lang niya ako bilang kapatid ni Xia. "Pupuntahan mo ulit si Xia?" tanong ni Jason pagkapasok namin ng HQ. "Yeah," tugon ko. "Dito na ako," paalam ni Jason saka humiwalay sa akin. Tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa isang sigaw ang narinig ko. "Aaaaahhhhhhh!!!" "Sir Xavier! Nagising na po si Xia. Ina--" Pagkarinig ko sa pangalan ni Xia, tumakbo na ako agad patunggo sa kwarto niya. "Xia!" sigaw ko nang makita ko siyang palapit sa nurse. Para siyang mangangain sa itsura niya. Bago pa siya tuluyan makalapit sa nurse niyakap ko na siya. Isang matalim na ngipin ang bumaon sa leeg ko. "Sir ayos lang po kayo?" tanong ng nurse. "Yeah! Tawagin mo si mom," utos ko at dali-dali naman siyang tumakbo palabas. "Welcome back Xia," sambit ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Tumigil siya sa pag-inom ng dugo ko. "Waaaahhhh!" sigaw niya sabay tulak sa akin. Pinunasan niya ang bibig niya. Gulat siyang nakatingin sa akin habang nakatakip ang bibig. "Xia anak!" Napalingon kami kay mom. Lumapit siya kay Xia at niyakap. "Sino ka?" tanong ni Xia. Napahigpit ang yakap ni mommy sa kanya. Noong bata kami nawalan ng alaala si Xia pagkatapos niyang maaksidente habang sinusubukan niyang hanapin sila Dad. "Sorry anak. Patawarin mo ko kung iniwan ko kayo sa tito niyo," umiiyak na sabi ni Mom. "Bakit ganito? Bakit ako umiiyak? Sino ka? Bakit mo ko tinatawag na anak?" "Xia..." tawag ko. "Sino kayo? Nasaan ako? Bakit kamukha mo si Kuya Calvin? Patay na siya. Sino ka? Aah!" Napahawak ito sa ulo niya at napaupo sa sahig. "Xia!" tawag namin sa kanya. Nilapitan namin siya para tignan ang kalagayan niya. "Ang sakit ng ulo ko," aniya sabay pikit habang hinihilot ang ulo niya. "Kumalma ka muna anak. Sasabihin namin sayo ang lahat," niyakap siya ni mom saka kinantahan ng kantang lagi niya inaawit noong bata kami. Unti-unting kumalma si Xia. "Mommy..." sambit niya bago makatulog. Binuhat ko siya pabalik sa kama at kinumutan.  Pinunasan ko na rin ang luha niya bago niyaya si mommy na lumabas. Third Person's POV Sa kalagitnaan ng pagtulog ni Xia, nanaginip ito bigla. "Mommy! Daddy! Tignan niyo po ito?" sambit ng isang batang babae na nasa tatlong taong gulang. Pinakita nito ang ginuhit niyang apat na tao na gawa sa stick. Magkakahawak ang kamay nito habang nakatayo sa labas ng bahay. "Ang galing naman ng baby ko," nakangiting sabi ng babae sabay hawak sa ulo ng bata. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang lalaki na nasa limang taong gulang. "Daddy, may naghahanap po sa inyo," sambit nito. Isang lalaking may eyepatch sa kaliwang mata ang sumilip sa pintuan. "Zeus pasok ka," sabi ng lalaki sa bisita. Mula sa likod ng binti ni Zeus may isang batang lalaki ang sumilip. "Kasama mo pala si Zander, Xia, doon muna kayo sa kwarto ni Calvin. Sama niyo si Zander. Laro muna kayo doon ha?" Tumango naman ang batang babae. "Tara Zander," tawag ni Calvin sa batang lalaki. Tumingin si Zander sa ama niya. "Makipaglaro ka muna. Mag-uusap pa kami ng tito John mo." Sumunod si Zander kila Calvin papasok sa isang kwarto at doon naglaro ng puzzle. Napatingin si Calvin kay Xia nang pumalakpak ito. Manghang-mangha itong nakatingin sa puzzle na binuo ni Zander. "Tapos ka na agad?" gulat na tanong ni Calvin. Tumango si Zander bilang tugon. "Ito din," sabi ni Xia sabay abot ng puzzle na binubuo niya. Pinanood niya si Zander habang nagbubuo ito. "Yehey!" nakangiting sabi ni Xia pagkatapos mabuo ni Zander. "Iba na lang laruin natin," sambit ni Calvin saka tumayo. Nilabas nito ang mga laruan niyang sasakyan saka sila naglaro. "Tama na yan mga anak. Sa susunod naman kayo maglaro. Uuwi na si Zander. Magpapaalam na kayo," sabi sa kanila ng Daddy nila. "Babye. Balik ka," nakangiting sabi ni Xia. Biglang nagdilim ang paligid at isang panibagong pangyayari ang napanaginipan niya. "Mga anak dito na muna kayo sa tito niyo. Calvin, ikaw na muna bahala sa kapatid mo. Magpakabait kayo. Pangako babalik kami," sabi ng babae sabay yakap sa dalawang bata. "Mommy!! Waaahhhh!" iyak ni Xia dahil unang beses pa lang nitong maiiwanan. Sinubukan nitong habulin ang sasakyan ngunit nadapa lamang ito. "Mommy!" sambit ni Xia bago ito magising. Napahawak siya sa pisngi nang maramdaman niyang basa ito. Nang mapansin niyang umiiyak siya, pinunasan niya ang luha at tumayo na. Napatingin siya sa sofa kung saan isang lalaki ang natutulog. Pinagmasdan niya ito. Unti-unting nanlaki ang mata niya nang makilala ito. "Nanaginip pa rin ba ako? Ano ginagawa ni kuya dito?" tanong niya sa sarili saka kinusot ang mata at sinampal ang sarili. Masakit! Hindi ako nanaginip. Pero ano ginagawa niya dito? Matagal na dapat siyang patay. Biglang naalala ni Xia ang pagkagat niya sa isang leeg at pagsisip niya ng dugo. Napatakip siya ng bibig at napatakbo sa banyo upang sumuka. Tuwing naalala niya ang ginawa niya sumasama ang pakiramdam niya. Nagmumog si Xia at naghilamos ng mukha. Nang iangat niya ang ulo niya, napatingin siya salamin. Sumalubong sa kanya ang imahe niya na may kulay gintong mata. "Aaaaahhhhhh!" sigaw niya dahil sa takot. Nagdulot ito ng pagkabasag ng salamin at bumbilya. "Xia! Anong nangyari? Ayos ka lang?" tanong ni Xavier habang kinakatok ang pinto. Nanginginig na binuksan ni Xia ang pinto. Bumungad sa kanya ang nag-alalang mukha ni Xavier. Napatingin siya sa kulay gintong mata nito na katulad sa mata niya. "K-kuya? Ikaw ba talaga yan? Bakit nag-iba ang kulay ng mata mo? At paanong buhay ka?" tanong ni Xia habang litong-lito ito sa nangyayari. Niyakap siya ni Xavier. "Kumalma ka na muna. Ipapaliwanag namin sayo ang lahat," bulong nito. Nang maramdaman ni Xavier na kumalma ang si Xia doon lang siya bitawan. "Maligo ka na muna at magbihis," utos nito bago lumabas. Sinunod siya agad ni Xia dahil sa gusto na niya malaman agad ang totoo. Pagkatapos niya magbihis lumabas siya ng kwarto para hanapin si Xavier. "Good Morning Xia." "Jason? Nandito ka din?" tanong ni Xia. Ngumiti lang si Jason. "Hinahanap mo si Calvin?" "Oo. Nakita mo ba siya?" "Nakita ko siya pumasok sa opisina ng daddy niyo." "Saan yun?" "Samahan  kita." Sinabayan ni Xia si Jason sa paglalakad  hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang kwarto. "Nandito na sila. Maiwan na kita. Goodluck," paalam ni Jason. Bago pa makakatok si Xia, bumukas ang pinto  "Nandito ka na pala. Susunduin na sana kita. Pasok ka," sabi ni Xavier. Pagkapasok niya, nakita niya ang lalaki at babae sa panaginip niya. "Mommy... Daddy..." bulong ni Xia. "Naalala mo na sila?" tanong ni Xavier. Tinanguan ko naman siya bilang tugon. "Xia, anak ko. Sorry kung ngayon lang kami," sabi ng mommy nila saka siya niyakap. Tuluyan nang umiyak si Xia. Akala niya noon nag-iisa na lang siya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. "Mommy, kayo po ba talaga yan? Hindi na po ba kayo aalis? Hindi niyo na po ba kami iiwanan?" tanong ni Xia habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang ina. Natatakot siya na baka kapag bumitaw siya, bigla itong maglaho at muli nanaman siyang maiwang mag-isa. "Hindi na anak," sagot nito. "Sali naman kami ni dad." nakangiting sabi ni Xavier saka  nakisali sa yakapan nila. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD