Chapter 19

1938 Words
Trevor's POV "Alis na kami. Hindi ka pa rin ba papasok?" sigaw ko pagkatapos ko katukin ang kwarto ni Zander. Katulad nung mga nakaraang araw, wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nakaganyan siya simula nang nawala si Xia. Napabuntong hininga na lamang ako at umalis. "Hahayaan na lang ba natin si Zander na ganun?" nag-aalalang tanong ni Bliss. "Apektado talaga siya sa nangyari kay Xia. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan," komento ni Claude. "Ang bagal niyo." Sabay-sabay kami napatingin kay Zander nang marinig namin ang boses niya. "Zander!" "Tara na baka mahuli pa tayo," aniya saka naunang sumakay sa sasakyan. Pagkadating namin sa school, nakatulala lang siya sa bintana habang nakaearphone. Hindi naman siya pinagbabawalan ng teacher dahil sa takot. Tignan lang sila ng masama ni Zander, nakakatakot na. Natapos ang klase na ganun lang siya. Halatang wala pa rin siya sa sarili kaya hinila ko ang earphone niya. "Sumunod ka sa akin sa rooftop," sabi ko sa kanya bago nilingon sila Claude. "Mauna na kayo sa sasakyan. May pag-uusapan lang kami." Pagkadating namin sa rooftop, sinuntok ko siya agad saka kiniwelyuhan. "Tingin mo ba matutuwa si Xia kapag nakita ka niyang ganyan? Ha?" "Hindi naman niya makikita. Patay na siya." Sinuntok ko siya ulit at wala naman ito ginawa. Kung nasa katinuan lang ito, kanina pa siya gumanti. "Buhay man siya o patay kahit makaganyan ka wala pa rin magbabago. Wala na siya. Hindi na natin siya kasama. Hindi natin alam kung babalik pa siya o hindi. Wala tayong idea kung buhay pa siya o patay na." "Siyet! Kasalanan ko ito. Hindi ko dapat siya hinayaang makuha na lang basta? Dapat inalam ko muna kung saan niya dadalhin si Xia," napasabunot ito sa kanyang sarili. Umupo ako para maging katapat ko siya. Hinawakan ko siya balikat. "Kung makakaganyan ka paano natin mahahanap si Xia? Ikaw lang ang nakaharap nung lalaking kumuha kay Xia. Sa atin lahat ikaw lang nakakakilala sa kanya. Kaya bumalik ka na sa Zander na kilala ko." Tumayo na ako at iniwanan siya para makapag-isip. Hindi ako sanay makita siyang ganun. "Nasaan si Zander?" tanong ni Bliss. "Iniwanan ko sa rooftop." "Sana bumalik na siya dati kahit na nakakatakot siya minsan." Zander's POV "Kung makakaganyan ka paano natin mahahanap si Xia? Ikaw lang ang nakaharap nung lalaking kumuha kay Xia. Sa atin lahat ikaw lang nakakakilala sa kanya. Kaya bumalik ka na sa Zander na kilala ko." Napasuntok ako sa sahig dahil sa inis. Alam ko naman na hindi dapat ako nakakaganito. Kailangan ko mahanap si Xia at si Xavier lang ang susi ko para makita siya. Gusto ko malaman  kung ano na nangyari sa kanya. Gusto ko siya makita buhay man o hindi. Pagkadating ko sa parking lot nakita ko sila Trevor na naghihintay sa labas ng sasakyan. Patakbo kong sinugod si Trevor upang suntukin. "Ganti ko sa suntok mo kanina," sabi ko. Ngumiti naman siya habang pinupunasan ang dumudugo niyang labi. Nilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo. "Buti naman natauhan ka na. Kanina ko pa iniisip kung kulang pa yung suntok ko sayo." "Yeah. Let's go. Umpisahan na natin ang paghahanap kay Xia." "Anong plano?" tanong ni Claude. "Umpisahan natin sa paghahanap ng artificial vampire." "Paano tayo maghahanap ng artificial vampire? Eh wala pa naman ganun," tanong ni Bliss. "Meron. Si Xavier..." "Paano mo naman nasabi na isa siyang artificial vampire?" "Iba ang kulay ng mata niya kumpara sa mga bampira. Kulay ginto ang mga mata ng artificial vampire katulad ng mata niya." "Gintong mata? Parang may nakita na akong ganun," sabi ni Claude "Si Jason!" sigaw ni Bliss. "Jason?" tanong ko. "Nagbago ang kulay ng mata niya katulad ng sinasabi mo at katulad natin may special ability din siya. Siguro isa din siyang artificial vampire.  Baka alam niya kung nasaan si Xia," sabi ni Bliss. "Siguro nga. Pagkatapos nung gabing yun hindi na siya pumasok," sambit ni Claude. "Kay Jason na muna tayo mag-umpisa. Kailangan natin humanap ng impormasyon tungkol sa kanya," suhestiyon ni Trevor. Tumango ako bilang tugon. Xavier's POV "Pinaghahanap ka nila Zander ah. Ano ginawa mo sa kanila?" tanong ko kay Jason nang mabalitaan kong wanted siya kila Zander. "Wala ako ginagawa sa kanila. Baka dahil sa hindi na ako pumapasok?" "Sabi ko sayo pumasok ka. Sigurado akong iniisip nila na alam mo kung nasaan si Xia." "Alam mo naman na si Xia lang ang dahilan ko kung bakit pumapasok ako. Ngayon wala na siya, wala na din akong dahilan para mag-aral," pagdadahilan niya sabay ngiti. Sigurado may naisip nanaman siyang binabalak gawin. "Bukas, magdadrop ako. Sasabay ako sa Mama mo." "Wag mong sabihing may balak ka din sumama sa America pagkagising ni Xia?" Lalo lumawak ang ngiti niya. "Siyempre naman. Kung nasaan ka nandoon din ako. Walang iwanan dude." "Ang sabihin mo kung nasaan si Xia nandoon ka din." "Nakuha mo dude. Hahaha. Ang galing mo talaga," aniya sabay hampas sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Calvin, Jason, halika muna dito. May ipapagawa ako sa inyo," tawag sa amin ni Dad. Pumunta kami sa opisina niya. "Pumunta kayo ngayon sa sementeryo at hukayin ang mga nasa listahan." "Meron pa rin ganito? Diba patay  na si Dr. Perez?" tanong ni Jason. "Isa lang si Dr. Perez sa mga tauhan niya para sa experimento. Marami silang gumagawa ng artificial vampire." "Okay Dad. Maghahanda na kami," sabi ko sabay hila kay Jason palabas. Inayos na namin ang mga gagamitin namin tulad ng mga pala at lalagyan  ng bangkay. Ito ang trabaho namin sa organisasyon. Hinuhukay namin ang mga bangkay na pinag-experimentuhan para gawing artificial vampire. Akala nila bigo sila sa paggawa ng artificial vampire dahil namatay ito. Ang hindi nila alam muli itong mabubuhay at doon lamang ito magiging ganap na isang artificial na bampira. Tuwing hating gabi, nagpupunta kami sa sementeryo para hukayin ang mga naging test subject nila at dinadala namin ito sa HQ para tulungan sila oras na magising sila. "Last na ito?" tanong ni Jason habang sinasara ang bag na naglalaman   ng bangkay. Tinanguan ko siya saka tinabunan ang pinaghukayan namin para hindi malaman ang ginawa namin. Pagkatapos  sinakay namin ito sa sasakyan at nagmaneho pabalik ng HQ. "Pakidala na lang sa ward," pakiusap ko sa kasamahan namin na naghihintay sa pagdating namin. Inabot ko sa kanya ang listahan ng mga pangalan bago tuluyang pumasok sa loob. Nagtunggo ako sa kwarto kung saan si Xia. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nabuhuhay. Ngunit kahit ganun para lang siya natutulog. May iilan lang na pagbabago sa katawan nito tulad ng pamumutla at paglamig ng katawan. Inayos ko ang kumot niya bago humiga sa sofabed malapit sa hinihigaan nito. "Calvin! Calvin anak!" Dinilat ko ang mga mata ko at bumangon. "Bakit Mom?" "Dito ka nanaman natulog. Pupunta kami ngayon sa school ni Xia. Gusto mong sumama?" tanong niya sa akin. Napakamot ako sa ulo at nag-unat. "Anong oras na po ba?" "8am." "Sasama po ako." Bumalik na ako sa sarili kong kwarto para maligo at magbihis. Nagsuot lang ako ng t-shirt na pinatungan ng itim na jacket at tinernuhan ng itim na pantalon at rubber shoes. "Tapos ka na? Hinihintay na tayo ni tita sa labas," sabi ni Jason. Tuloy lang ito sa pagpasok sa kwarto ko. "Ilang ulit ko na ba sasabihin sayo na kumatok ka muna?" "Hindi naman naka-lock eh kaya pumasok na ako." "Tapos na ako." Lumabas na ako at isinara ang pinto kahit nasa loob pa siya. "What the-- bakit mo ko sinaraduhan?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tumuloy lang sa paglalakad. Pagkalabas namin nakaabang na sina mom at dad. "Dad, sasama ka?" tanong ko. "Sasabay lang ako sa inyo. Pupunta ako sa Hayashi Hospital para sa interview." "Interview?" "Nag-apply ako bilang doctor doon. Ito lang naisip kong paraan para malaman natin kung sino ba talaga ang kalaban." "Hindi ba yun delikado?" "Wag ka mag-alala pinagplanuhan na namin ito ng mabuti." Hindi na ako kumontra dahil  alam kong hindi ko na siya mapipigilan. Hinatid muna namin si dad sa hospital bago kami nagpunta sa school. Nagsuot ako ng sunglasses para hindi ako masyado makilala. "Hintayin ko na lang kayo dito sa sasakyan," sabi ko pagkababa nila.  "Sige. Saglit lang kami," sabi ni mom. Pagkaalis nila kumuha ako ng sigarilyo saka sinindihan ito. Kung makikita ako ni Xia, sigurado magagalit yun sa akin. Ayaw niya kasi ang amoy ng sigarilyo. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," sigaw ng isang lalaki. "Sorry hindi ko sinasadya," sabi ng isang babae. Napatingin ako sa babae nang makilala ko ang boses niya. "*SLAAAPPP* Hindi ko din sinasadya," sambit ng lalaki pakatapos sampalin ang babae. Napakunot ang noo ko sa nasaksihan ko. Lalaki ba talaga ito? Bakit siya nanampal ng babae? Tinapon ko ang sigarilyo at tinapakan upang patayin. Pinatunog ko ang kamay ko saka lumapit sa kanila. Nang makalapit ako hindi ako nagdalawang isip na suntukin yung lalaki. "Sorry, hindi ko sinasadya," sabi ko. "Sino ka? Bakit mo sinuntok?" sabi niya habang galit itong nakatingin sa akin.  Hinawakan pa niya ako sa kwelyo. "Uulitin ko. Hindi ko sinasadya." Inalis ko ang kamay niya at inayos ang suot ko. Bigla siyang sumuntok sa akin ngunit naiwasan ko ito. Hinawakan ko ang braso niya at tinuhod sa tiyan bago muling sinuntok. Nang matumba siya inapakan ko ang kamay niya. "Sa susunod na manakit ka ng inosenteng tao, hindi lang yan aabutin mo," sabi ko sabay diin sa pagkaapak ko. "AAAAAHHHHHHH! TAMA NA! SORRY! HINDI KO NA UULITIN," sigaw niya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Stella. Hinawakan ko ang baba niya saka tinignan ang mukha niya kung may sugat. Namumula ang pisngi niya at may dugo siya sa labi. Sa lakas siguro ng pagkakasampal sa kanya pati labi niya nasugat. Hinawakan ko ang ibabang bahagi ng labi niya upang tignan kung malaki ba ang sugat. "A-ayos lang ako. Salamat," aniya sabay alis ng kamay ko at takbo. Nakalimutan ko na hindi nga pala niya nakikilala. Baka nainis siya dahil sa pagkahawak ko sa kanya. "Samahan na kita hanggang sa room mo." Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad patunggo sa room niya. "Sa likod ka lang." Umatras ako ng dalawang hakbang. Pagkatalikod niya hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pulang-pula niyang mukha. Sigurado ako na hindi yun dahil sa pagkakasampal sa kanya. Habang naglalakad kami sari-saring usapan ang narinig ko. "Sino kaya yung lalaki?" "Parang nakita ko na siya dati." "Ang gwapo niya siguro  kapag walang sunglasses." "Stella, boyfriend mo?" tanong ng isang babae pagkadating namin sa tapat ng silid-aralan nila. "Hindi. Sinamahan lang niya ako," sagot ni Stella bago humarap sa akin. "Salamat ulit." "Walang anuman." Paalis na sana ako nang marinig ko ang usapan tungkol sa kapatid. "Alam mo na ba yung balita? Nagdrop na daw si Ms. Whiteboard." "Hindi. Saan mo nalaman yan?" "Narinig kong sabi ng isang babae kay Sir Reyes." "Nasaan mo sila narinig?" tanong ni Stella sa nagkukwento. "Sa faculty," sagot nito agad. Mabilis kong hinawakan si Stella nang makita kong aalis ito. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Bitawan mo ko. Kailangan ko makausap yung sinasabi nilang babae. Gusto ko malaman kung ano nangyari kay Lei," sabi niya habang nagpupumiglas. Sinandal ko siya sa pader at nilagay ang kabilaang kamay sa gilid niya ng ulo niya. "Ayos lang siya. Sa america na mag-aaral si Xia kasama ko." "Bakit ako maniniwala sayo? Sino ka ba? Alam ko wala ng pamilya si Lei. Nakakapagtaka na may biglang sumulpot na babae." "Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta totoo ang sinasabi ko." Tinalikuran ko na siya at sakto naman na nakatayo sila Zander sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Zander. Nakilala niya kaya ako? "Nasaan si Xia?" tanong ni Zander. "Bakit ko sayo sasabihin? Hindi ko na hahayaang makalapit kayo ulit sa kanya. Napahamak siya dahil sa kapababayaan niyo," sagot ko sa kanya.  Lalakad na sana ako nang bigla niya ako suntukin. Natanggal tuloy ang suot kong sunglasses. Sinamaan ko siya ng tingin at pinulot ang salamin ko. "Calvin... buhay ka?" tanong ni Stella. Gulat itong nakatingin sa akin. Sinuot ko ang salamin ko. "Kung may gusto kayo itanong sa akin. Mamaya sa sementeryo kung saan nakalibing sila Mama, magkita tayo ng 7pm," sabi ko sa kanila bago umalis. Mabuti na lang hindi na sila sumunod sa akin. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD