Xia's POV
"S-sir Navarro," sambit ko nang makita ko siyang nakaupo sa harapan ko.
"Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo," aniya saka ako sapilitang hinila patayo.
Nasa science laboratory pa rin pala ako. May pagkakataon pa ako tumakas.
"Wag mo ng subukan tumakas kung ayaw mong matulad ang kaibigan mo sa mga babaeng nagpapakamatay," sabi niya na para bang alam niya ang binabalak ko.
Yumuko na lang ako at tahimik na sumunod sa kanya. Paglabas namin wala na masyadong istudyante. Baka nagsiuwian na sila. Sila Trevor kaya? Nandito pa ba sila? Baka nag-aalala na sila sa akin.
Pagdating namin sa parking lot nakita ko si Stella na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.
"Stella," tawag ko sa kanya ngunit wala man lang itong reaction. Sinamaan ko ng tingin si Sir Navarro.
"Ano ginawa mo sa kanya?" tanong ko.
"Tulad ng sinabi ko sayo. Magiging katulad siya ng iba, kapag hindi ka sumunod sa akin. Pumasok ka na."
Pinabugksan niya ako ng pinto sa backseat habang silang dalawa nakaupo sa harapan.
"Ano ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya nang huminto kami sa tapat ng Hayakawa Hospital.
"Sumunod ka na lang sa akin."
Pumunta kami sa rooftop gamit ang hagdan. Pagdating namin sa taas napaupo na lamang ako habang hinihingal.
Nagpunta si Stella sa edge ng rooftop. Pupuntahan ko sana siya ngunit tinutukan ako ng baril ni Sir Navarro.
"Wag kang lalapit sa kanya kung ayaw mo siyang magpakamatay," nakangising sabi niya.
"Tama ako! Ikaw yung pumapatay sa mga babaeng istudyante."
"Hindi ko sila pinatay. Kusa silang nagpapakamatay."
"Napakasama mo. Ano ba ginawa nila sayo para patayin mo sila ng ganun?!" sigaw ko kasabay ng kulog at pagbuhos ng ulan.
"Wala. Pero ikaw meron. Kung naglaman ko lang na mas maaga na ikaw ang hinanap ko, hindi sana mangyayari sa kanila yun. Kasalanan mo at ng doctor na nag-opera sayo. Ngayon babawiin ko na ang kinuha niyo sa asawa ko."
"Ano ibig mong sabihin?"
"Patay ka na sana kundi dahil sa puso ng asawa ko. Sa lahat ng pinabigyan nila ng organ ng asawa ko, ikaw lang ang nabuhay."
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Kung itong puso lang pala ang gusto mo. Patayin mo na ako. Wag mo na idamay si Stella. Pakawalan mo na siya."
"Darating din tayo doon. May hinihintay lang tayong bisita. Parating na siya."
Bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito ang isang doctor.
"Dr. Perez," sabi ko.
"Xia, ayos ka lang ba?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Tinignan niya ng masama si Sir Navarro. "Sino ka at ano ang kailangan mo?"
Tumawa si Sir Navarro na parang demonyo.
"Sino ako?; Ako lang naman ang asawa ng kinuhaan niyo ng puso para lang sa walang kwenta niyong experiment. Gusto niyong gawing bampira ang mga tao sa pamamagitan ng paglagay ng parte ng katawan namin? Para ano? Para magkaroon din sila ng kapangyarihan tulad sa amin? Kalokohan. Kahit ano gawin niyo, hindi kayo matatagumpay dahil bago mangyari yun..." tinutok niya ang baril sa akin. "Papatayin ko ang taong nagbibigay ng pag-asa sa inyo na magtagumpay. Kahit kailan hinding-hindi kayo makakalikha ng Artificial Vampire."
Bang! Napahawak ako sa bandang dibdib ko kung saan niya ako binaril. Hindi ko na siya nagawang iwasan dahil sa hindi ko inaasahang babarilin niya ako habang kinakausap si Dr. Perez. Pagtingin ko sa kamay ko puro dugo na ito. Napaluhod ako dahil sa sakit. Dito na ba ako matatapos? Ang tagal ko sinubukan mamatay pero lagi ako bigo. Bakit ngayon kung kailan gusto ko na ipagpatuloy ang buhay ko, saka pa ako mamatay?
Third Person's POV
"Ano nangyari? Nasaan si Xia?" tanong ni Zander kay Trevor.
"Tinignan namin ulit ang kuha ng cctv. Nakita naming sumakay sila Xia sa sasakyan ni Sir Navarro," tugon nito saka siya sumakay.
"Teka! Sasama ako," sabi ni Jason sabay habol sa kanila.
"Sakay na," tugon ni Trevor.
"Nakita ko na. Nasa Hayashi Hospital sila," sabi ni Claude pagkatapos niyang i-track ang sasakyan ni Mr. Navarro.
Nagmaneho agad si Zander patunggo doon at nang makarating sila doon, nagmadali silang bumaba. Napatingin si Bliss sa taas.
"May tao sa taas," aniya nang makita si Stella. Tumakbo silang lima papuntang rooftop habang nagpaiwan naman si Jason para tawagan ang kaibigan niya.
"Hello?" sagot nito.
"Bro, hawak ni Sir Navarro sina Xia at Stella."
"What?! Nasaan sila ngayon?"
"Nasa Hayashi Hospital, rooftop. Paakyat na ako doon."
"Papunta na ako. Salamat," sagot ng kaibigan niya bago binaba ang tawag.
Bago bpa mabuksan ni Zander ang pintuan papuntang rooftop, isang tunog ng baril ang narinig niya.
Samantala sa rooftop. Habang nakatingin si Mr. Navarro kay Xia, sinubukan agawin ni Dr. Perez ang baril. Sinuntok siya ni Mr. Navarro kaya napabitaw ito at bago pa siya makatayo, tinutukan siya nito ng baril.
"Xia!" sigaw ni Zander nang makita niya si Xia na nakahiga sa sahig at may dugo sa dibdib. Nilapitan niya ito.
Sinugod ni Trevor si Mr. Navarro at pinuntahan naman nila Claude si Stella para aalisin ito sa kinatatayuan niya.
"Xia! Xia!" paulit-ulit na tawag ni Zander sa pangalan niya ngunit nakapikit lang ito. Binuhat niya ito at patakbong dinala sa loob ng hospital.
Nakasalubong niya si Jason na paakyat na sana. Bakas sa mukha ni Jason ang galit nang makita niya ang sitwasyon ni Xia. Napakuyom siya ng kamao at sumugod sa rooftop. Hinila niya si Mr. Navarro na patumba na sana dahil sa pag-atake ni Trevor. Sinuntok niya ito habang nakahawak sa kwelyo ng guro.
"Ano ginawa mo kay Xia?" tanong niya ngunit tinatawan lamang siya ni Mr. Navarro. Sa sobrang galit niya muli niya ito pinagsusuntok bago bitawan upang sipain.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo."
Ngumisi si Mr. Navarro at saka hinawakan ang kamay ni Jason.
"Masyado ka matapang bata. Hindi dapat nangingialam ang isang taong kagaya mo. Hindi ako katulad mo na mahina," sambit nito saka niya ginamitan ng kapangyarihan niya. Subalit bago pa niya macontrol ito, pumikit si Jason.
"Kung inaakala mo na makokontrol mo ko, nagkakamali ka," hinawakan ni Jason ang kamay ni Mr. Navarro na nakahawak sa kanya saka ito dumilat.
Nanlaki ang mata ni Mr. Navarro nang makita ang kulay gintong mata nito. Nag-umpisang manigas ang katawan nito at napaupo na lang sa sahig habang gulat na nakatingin sa binata. Maging sila Trevor nabigla sa nasaksihan.
"Ikaw? Paano?" tanong ni Claude. Hindi
Pumikit si Jason at nang muling dumilat, bumalik na sa dati ang kanyang mga mata.
"Sagutin mo ang mga tanong ko. Bakit iyon nagawa? May atraso ba sayo si Xia?"
"Bakit hindi mo tanungin ang doctor na yan? Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ito. Dapat nga magpasalamat kayo sa akin. Dahil hindi magiging bampira ang kaibigan niyo. Matagal na dapat siyang patay pero dahil sa puso ng asawa ko, nabuhay siya."
"What do you mean?"
"Nalaman ko na ginamit nila ang organ ng asawa ko para sa experiment nila. Gusto nila lumikha ng isang Artificial Vampire at isa ang kaibigan niyo sa naging subject nila."
Galit na tinignan nila Jason ang doctor.
"M-magpapaliwanag ako. Napag-utusan lang ako," takot ba sabi ni Dr. Perez.
Pinulot ni Trevor ang baril ni Mr. Navarro.
"Sino nag-utos sayo?" tanong niya saka niya ito tinutok sa ulo ng doctor.
"D--"
BANG! Bago pa ito tuluyang makasagot may bumaril sa ulo nito mula sa kalapit na building ng hospital.
"Sh*t! Gumising ka! Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sayo," sigaw ni Jason habang pilit na ginigising si Dr. Perez.
"Tama na yan. Patay na siya," sabi ni Bliss upang patagilin ang binata.
Sa loob ng ospital, nagmamadaling naghanap si Zander ng doctor.
"Tulungan niyo ko!" sigaw niyo.
"Sir dito po tayo," sabi ng nurse nang makita siya nito. Sinundan niya ito agad. "Pakibaba na lang po siya dito."
Tinuro ng nurse ang isang higaan saka ito tumawag ng doctor. Pagkadating ng doctor, sinuri niya agad Xia. Nang mapansing hindi na ito humihinga, sinubukan niya ito buhayin ngunit balewala ito. Napailing na lang ito pagkatapos niya gawin ang lahat para muling tumibok ang puso ng dalaga.
"Bakit kayo tumigil? Mamatay siya kung hindi kayo kikilos," sabi ni Zander habang galit na nakatingin sa doctor.
"I'm sorry Sir. Patay na po siya."
"Hindi pa siya patay," sabi ng isang lalaking nakasuot ng sunglasses. "Dadalhin ko siya sa ibang hospital."
Nilapitan niya si Xia at akmang bubuhatin niya ito nang pigilan siya ni Zander.
"Sino ka?"
"Kukunin ko na siya. Sinabi ko na sayo na bantayan mo siyang mabuti dahil oras na mapahamak siya, kukunin ko siya sa inyo."
Napabitaw si Zander nang makita niya ang memorya nito. Kinuha naman ng lalaki ang pakakataon na yun para umalis.
"Xavier!" sigaw ko ni Zander nang matauhan. Sinubukan niya ito habulin ngunit hindi na niya ito makita.
Xavier's POV
Isinakay ko agad si Xia sa sasakyan.
"Wag ka mag-alala, paggising mo magiging maayos na ang lahat. Magkakasama na tayo ulit," sabi ko habang nilalagyan ng seatbelt ang kapatid ko.
Napatingin ako sa bintana nang mapansin ko si Zander.
"Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang totoo."
Bago pa makita ni Zander ang kinaroroonan namin, nagmaneho na ako paalis para dalhin si Xia sa HQ.
"Sino yang babaeng dala mo?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin.
"Nasaan si Dad?" tanong ko.
"Nasa opisina niya."
Nagtunggo ako sa opisina ni Dad at saktong lumabas si Mom pagkarating ko.
"Si Caleigh ba yan? Ano nangyari sa kanya?" tanong niya.
"Nasaan si Dad?"
Biglang lumabas si Dad mula sa pinto. Napatingin siya kay Xia saglit.
"Dad, pakitingin si Xia."
Hinawakan niya si Xia.
"Mag-iisang oras na siya patay. May tama siya ng baril sa puso. Sa clinic tayo. Kailangan matanggal ang bala," pumasok siya saglit sa opisina niya at paglabas niya bitbit na niya ang suitcase na naglalaman ng mga gamit pang opera.
Pagdating namin sa clinic, inumpisahan niya agad ang paggamot kay Xia. Pagkatanggal niya ng damit nito bumungad sa amin ang peklat sa bandang dibdib ni Xia.
"Naoperahan ba siya sa puso noon?" tanong ni Dad.
"Hindi ko po alam, Dad," tugon ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Jason, sinagot ko ito agad.
"Bro, kinuha mo na si Xia?" tanong niya agad.
"Yeah. Nandito na siya sa HQ."
"May kailangan ka malaman tungkol kay Xia. Naging subject siya sa isang experiment. Dumaan siya sa isang heart transplant 6 months ago at puso ng isang bampira ang ginamit nila."
Napatingin ako kila Dad.
"Bakit anak?" tanong ni Mom.
"Si Xia... nabiktima ng mga taong sumusubok gumawa ng artificial vampire."
"Jusko," napaiyak na lang si Mom dahil alam niya ang pakiramdam ng maging isang subject ng experiment. Minsan na kasi sila naging subject ng experiment.
"Napakasama talaga nila. Pati ang bata na walang kamalay-malay ginagamit nila. Kailangan na talaga natin malaman kung sino ang nasa likod nito," sambit ni Dad habang nakakuyom ang kamao.
Itutuloy...