Xia's POV Ito na yata ang pinakasamasayang araw ng buhay ko. Ang araw na ikakasal kami ni Zander. Salamat kila Dad dahil sila na nag-asikaso para matuloy ang kasal namin. Karamihan sa mga nandito member ng CLA at AVO. Yung iba katrabaho nila Zander. Kasalukuyan ako naglalakad sa patungo kay Zander. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Medyo naluluha pa nga ako pero pinigilan ko. Paano kaya kung hindi ko siya nakilala noon? Ano kaya mangyayari sa akin? Matagal na siguro ako patay. Nilahad niya kamay niya na agad ko naman hinawakan at sabay kami nagtungo sa pwesto namin kung saan katapat namin ang isang pari na kaibigan ni Dad. 'Ang ganda mo. Hindi na ako makapaghintay na matapos ito para masolo na kita,' sabi sa akin ni Zander gamit ang telepathy. Mabuti na lang may belo ako. Hindi m

