Xia's POV Handa na sana ako labanan yung mga robot nang lampasan ako nito at diretsong inatake si Zander. Agad siyang naglabas ng yelo saka tumalon palayo. Nagyelo ang mga kamay ng robot pero tuloy pa rin ito sa pagsugod. Nagkatinginan kaming dalawa ni kuya dahil naiwan kaming nakatayo habang tinitignan ang mga robot na sinusugod sila Claude. Bakit sila lang? Bampira din naman kami. "Siguro hindi nila tayo sinusugod dahil artificial vampire lang tayo. Katulad pa rin sa tao ang katawan natin bukod sa may katangian tayo na katulad sa bampira," sambit ni kuya. Tumango na lang ako. "Edi madali natin sila mapapatumba kung hindi nila tayo aatakihin," tugon ko. Humarap ako kila Zander. Isa-isang pinalutang ang mga robot sa ere. Sinuntok ni Claude ang iba dito gamit ang kamao niyang may apoy

