"Zander anak! Namiss ka ni daddy!" sabi ni Mr. Hayato. Naglakad ito palapit kay Zander para yakapin, ngunit iniwasan siya nito. "...." Napatakip ng bibig si Xia, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maawa kay Mr. Hayato dahil sa reaksyon ni Zander. "Bakit anak? Hindi mo ba namiss si Daddy?" sabi ni Mr. Hayato habang nagdadrama, malayo talaga sa itsura nito ang ugali niya. Minsan na rin napaisip si Xia kung kanino ba nagmana si Zander dahil ibang-iba ang ugali nito sa kanyang ama. "Maiwan ko muna kayo," paalam ni Xia para makapag-usap sila. Natatakot din siya na baka masira niya ang reunion nilang mag-ama dahil sa hindi niya mapigilang matawa kay Mr. Hayato. "Dito ka lang," sabay na sabi nina Zander at Mr. Hayato habang sabay rin nilang hinawakan si Xia para hindi ako makaalis.

