"Iwan ko muna sila sa inyo," sabi ni Xia nang makabalik sila sa taas. Ibinigay niya kila Jason ang nailigtas nila sa laboratory bago bumaba upang balikan sila Xavier. Boom! Sunod-sunod ang pagsabog sa loob habang pabalik sa laboratory sila Zander. "Bilisan natin," sabi ni Xia dahil nag-aalala na ito sa kalagayan nila Xavier. Malakas na ang apoy nang makarating sila sa ibaba. Puno ng usok at lumiliyab ang mga nagkalat na gamit at nagsibagsakan na kisame. "Kuya!" sigaw ni Xia nang masalubong nila sila Xavier, palabas na sila at ang mga kasama nilang bata. Napansin ni Xia na may babagsak na kisame, agad siya napatakbo papunta sa mga batang nakatayo sa ilalim nto. "Umalis na kayo diyan!" sigaw ni Xia dahil malayo siya sa kinatatayuan nila at baka hindi siya makabot. Subalit dahil sa

