Chapter 28

1779 Words

Third Person's POV "Wag ka nga dumikit sa akin masyado," reklamo ni Claudine kay Jason habang sinusundan ang madreng naglilibot sa kanila sa ampunan. "Kailangan ito para maniwala silang mag-asawa tayo," bulong ni Jason. Inirapan siya ni Claudine at tinuloy ang paglalakad. "Nakapagdecide na po ba kayo kung sinong bata ang aampunin niyo?" tanong ng madre sa kanila kaya agad naman umayos yung dalawa. "Opo. Yung batang babae nakasalubong natin kanina," sagot naman ni Jason. Sa lahat ng bata, ayun lamang ang naalala niya. "Sigurado po kayo Sir? Si Risa ang gusto niyo?" tanong nito. Halatang nagulat ito sa sinabi ni Jason dahil sila ang kauna-unahang pumili dito. Nasalubong nila si Risa kanina habang papunta sila sa kwarto ng mga bata. May bitbit itong manika habang mag-isang naglalakad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD