Third Person's POV
Kasalukuyang nagkaroon ng pagpupulong sa opisina ni Mr. Takeshi upang pag-usapan ang kaso na matagal na nilang iniimbistigahan.
"Pinapunta ko kayo dito para sabihin na may misyon kayo ngayon. Naalala niyo pa ba yung orphanage na pinanggalingan ni Rain?" sabi ni Sir. Takeshi kila Zander.
"Yes sir," sagot ni Trevor.
"Papasukin niyo yun ngayon at hahanapin ang tinatatago nilang laboratory. Pero kasama niyo ang Iris, sa utos na rin ni Mr. President."
Pagkatapos magsalita ni Mr. Takeshi, saktong may kumatok sa pinto.
"Ayan na sila," sabi ni Sir. Takeshi saka binuksan ang pinto.
Bumungad sa kanila ang grupo ng Iris na binubuo nina Xavier, Kenji, Jason at Xia.
"Good afternoon sir. Pinapunta kami dito ni Sir Hayato para sa misyon na pinapagawa niyo," paliwanag ni Kenji.
"Nasabi nga niya sa akin. Tuloy kayo."
"Nagbago na po kayo ng opisina?" tanong ni Xia pagkapasok. Tumabi siya agad kila Bliss nang makita niya ito.
"Oo. May nagpasabog kasi ng opisina ko noon. Hindi lang naman opisina ko nagbago. Pati assistant ko," nakangiting sabi ni Mr Takeshi.
Isang babae ang pumasok habang may hawak ng isang tasa ng kape.
"Sir, ito na po coffee niyo," sabi nito. Agad siya nakilala ni Xia dahil sa boses nito.
"Stella? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Xia. Na
Nanigas sa kinatatayuan niya si Stella at dahan-dahan na lumingon kila Xia.
"Don't tell me... Ikaw yung tinutukoy niyang assistant?" tanong ni Xavier.
Kinuha ni Sir Takeshi ang kape niya saka bumalik sa upuan niya.
"Ang sarap ng kape," aniya pagkatapos humigop nito. Bigla ito kinabahan dahil sa reaksyon ng magkapatid at sa masamang tingin na binibigay sa kanya.
Hinampas ni Xia ang mesa niya saka siya tinignan ng masama at sinabing, "Sir Takeshi, baka gusto niyo po magpaliwanag?"
"Nakakatakot pala si Xia kapag nagalit," bulong ni Claude.
Namutla si Sir Takeshi nang makita ang mesa niya na unti-unting natutunaw. Naalala niya ang kwento sa kaya ni Rain tuwing nawawalan ng kontrol si Xia sa kapangyarihan niya.
"Teka! Magpapaliwanag ako pero wag mo naman sirain opisina ko."
Napatingin si Xia sa kamay niya at dali-dali itong inalis nang makitang natutunaw na ang mesa.
"Sorry. Nawalan nanaman ako ng kontrol sa kapangyarihan ko," paliwanag niya.
"Bakit kasi hindi mo sinuot yung gloves mo? Nakasira ka nanaman tuloy ng gamit," sermon sa kanya ni Xavier.
"Pasensya na po Sir Takeshi. Ganyan po talaga si Xia kapag nawalan ng kontrol. Minsan na po niya pinasabog yung bahay ni Sir Hayato," paliwanag ni Kenji na sanay na kay Xia. Sa daming gamit na sinira ni Xia noon, hindi na siya magugulat kung makakasira siya ulit dahil sa power of destruction niya; tawag nila sa kapangyarihan niya dahil sa lagi siya nakakasira.
Namula si Xia dahil sa hiya lalo na nandoon si Zander. Nagpunta pa naman siya sa America para matutong kontrolin ang kapangyarihan niya, subalit lalo lang siya lumala. Hindi niya inaasahan na dadami ang kapangyarihan niya.
"Mag-uusap muna kami ni Stella," paalam ni Xia sabay hila kay Stella palabas, hindi na kasi niya kinaya ang pagsulyap nila sa kanya.
"Ehem. Sabi sa akin ni President, may plano na raw kayo at kailangan niyo tulong nila," pag-uumpisa ni Sir Takeshi nang makalabas sila Xia. Umayos na ito ng upo at sumeryoso na para bang walang nangyari.
"Opo, plano po namin na may dalawang magpapanggap na mag-asawa para kusa po nila tayong papasukin. Yung dalawang yun ang tutulong para malayang makagalaw ang ibang miyembro. Tatlo po ang maiiwan sa labas bilang back up. At yung iba palihim na papasok sa loob, gagamitin nila itong hoodie para maging ivisible," paliwanag ni Kenji saka ipinakita ang hinanda nilang damit para sa makakasama nila.
"Sino magpapanggap na mag-asawa?" tanong ni Sir Takeshi.
"Hmmm. Si Jason at si Claudine. Malaki ang maitutuling ng ability nila kung sakaling mahuli sila," tugon ni Kenji.
"Hmmm. Good Idea."
Tumango si Mr. Takeshi saka ngumiti.
"Ako, sina Trevor at Bliss naman ang maiiwan para sa back up. Sina Xia, Zander, Claude at Xavier ang lihim na maghahanap sa laboratory."
Xia's POV
Pagkalabas namin ng opisina ni Sir Takeshi, niyakap ko agad si Stella.
"Sorry. Sorry sa lahat," bulong ko sa kanya. Niyakap niya rin ako.
"Ayos lang Lei. Hindi mo kailangan magsorry," humiwalay siya sa pagkakayakap saka ngumiti. "Welcome back."
"Salamat."
"Kamusta buhay niyo sa America?"
"Ayos naman. Mabait yung nag-alaga sa amin. Saka nagkaroon agad kami ng kaibigan," pagkukwento ko. Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing maalala ko ang buhay namin doon.
"Mabuti naman. Masaya ako na bumalik ka na din sa dati. Nagkukwento ka na tulad nung bata pa tayo. Hindi mo na ako iniiwasan."
Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang mga masamang nagawa ko kay Stella. Nakonsensya ako bigla.
"Pasensya na kung iniiwasan kita noon. Ayokong mapahamak ka dahil sa akin kaya kahit gusto kita kausapin, pinipigilan ako," paliwanag ko sabay hawak sa kamay niya at tingin sa mata niya para ipakita na sincere ako. "Ikaw na lang ang meron ako nung panahon na yun. Inisip ko na mas mabuting layuan na lang kita kaysa mamatay ka dahil sa akin. Pinagsisisihan ko na ngayon na ang dami kong sinayang na oras sa paglayo sayo. Babawi ako sayo pangako. Dadalawin kita kapag may oras ako."
"Lei... namiss kita," maluha-luhang sabi niya saka ako niyakap ako.
"Namiss din kita nang sobra."
"Tama na nga ang drama. Balik na tayo. Mukhang may importante din kayong pag-uusapan," sabi niya sabay punas ng luha.
"Teka! Alam mo ba kung anong klaseng company itong pinasok mo?" tanong ko.
"Oo naman. Alam ko lahat. Pati yung pagiging bampira niyo. Wag ka mag-alala alam ko itong pinasok ko," nakangiting tugon niya kaya nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko kailangan magtago ng sikreto sa kanya.
Bumalik na kami sa loob at naabutan namin silang pinag-uusapan yung plano para mamaya.
"Nandito na pala kayo. Xia, kasama mo sina Zander, Xavier at Clyde na susugod sa laboratory. Malaki ang chance na makakita kayo ng maraming dugo doon kaya kontrolin niyo ang sarili niyo. Pero wala naman na problema yun sayo, sanay ka naman kontrolin ang sarili mo. Ikaw na bahala sa tatlo kung sakaling hindi nila mapigilan ang sarili nila," paliwanag sa akin ni Kenji nang makita ako.
"Bibigyan ko sila ng apple kapag nagutom sila," tugon ko.
"Sa pag-inom lang naman ng dugo ang kaya mong pigilan. Pero pagdating sa iba mong kapangyarihan hindi mo makontrol," sambit ni kuya.
"Hindi ko naman kapangyarihan yun. Kasalanan ko ba na nadadagdagan yung ability na meron ako? Tapos magkakaiba pa lahat," reklamo ko.
Ayoko talaga yung ability ko na power replication. Dahil doon hindi na ako natapos sa pag-aaral magkontrol ng kapangyarihan. Kapag nawawala ako sa sarili ko, aksidente ko nagagamit ang mga ito.
Nakontrol ko nga yung sa boses ko, may iba namang pumalit. Kapag kasi sa boses ko, pinipigilan ko lang sumigaw. Kapag naman doon sa iba, nasa nadidikitan o nahahawakan ko yung apektado. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sitwasyon ko.
"Ang cool nga ng ability mo. Pwede mo makopya ang ability ng lahat," sabi sa akin ni Claude saka ako inakbayan. Bigla tuloy ako napaisip kung ano ability niya, sa kanilang lahat sa kanya na lang yung hindi ko pa nakikita.
"Ano nga pala ability mo?" tanong ko.
"Ah! Eh! Delikado din katulad ng sayo," aniya sabay iwas ng tingin. Hahawakan ko na sana siya para malaman ko ano ability niya ngunit bigla siyang lumayo.
"Hindi mo gugustuhin magkaroon ng ability niya. Delikado yun kapag hindi mo makontrol," pabala sa akin ni Trevor. Lalo tuloy akong nacurious.
"Bakit? Ano ba ability niya?" tanong ni Jason.
"Fire," sagot ni Claudine.
Fire? Apoy? Pati pala yung ganun kapangyarihan, meron ang isang bampira?
"Oh! Mas malala pa yun kaysa sa akin. Kapag meron ka nun Xia, sigurado sunog ang aabutin namin," sabi ni Jason.
"Wag ka didikit sa kanya," sabi ni kuya sabay hila sa akin.
"Ang sama niyo sa akin," nakasimangot na sabi ko.
Nagsitawanan naman sila.
"Pinapabigay nga pala ito ni President," sabi ni Kenji. Nilabas niya ang mga hoodie na imbento ni Kyla. Galing nga niya. Ang bata pa niya pero nakagawa na siya ng ganun. "Katulad yan ng ginagamit namin para maging invisible. Pindutin niyo lang yun nasa zipper para maging invisible kayo."
Pinakita ni Kenji kung paano gamitin ang invisibility hoodie jacket.
"Dinalhan ko din kayo nitong hikaw. Pwede niyo magamit yan para makipagkomunikasyon sa iba. Kapag pinindot niyo ang on sa hikaw, pwede na kayo marinig ng sino man sa amin na may suot din niyan, katulad yan sa wireless earphone din yan. Pwede niyo rin piliin kung sino lang gusto niyo marinig sa pamamagitan nito," paliwanag ni Kenji saka pinakit yung smartwatch na meron din kami.
Konektado ito sa hikaw. Maliban sa pagkontrol kung sino gusto namin marinig, pwede rin namin piliin kung sino ang gusto naming makarinig ng sa amin.
"Astig!" sambit ni Claude.
"Pakisabi kay Mr. President salamat," pagpapasalamat ni Trevor.
"Nakakonekta na yan sa ginagamit namin kaya kung may kailangan kayo, tawagan niyo lang kami. Nakalagay naman diyan ang mga pangalan namin," paliwanag ni Kenji.
"Pati si President Hayato, nandito din?" tanong ni Sir Takeshi. Meron din kasi siya nung hikaw, smartwatch at yung coat kapag gusto niyang maging invisible. Parehas sila ni Sir Hayato.
"Yes sir."
"Good. Salamat. Pakisabi kay President na labas naman kami minsan."
"Sir Takeshi, mukhang close po kayo sa President Hayato. Ano po ba itsura ni President?" tanong ni Claude.
"Mukha siyang nakakatakot pero kabaliktaran nun ang ugali niya, ayaw niyang tinatawag siyang president, mas gusto niya tinatawag siyang Sir Hayato pero kapag close kayo sa kanya, baka iba din ang ipatawag niya sa inyo. Right Kenji?"
"Yes. Mas gusto niya na tawagin ko siyang Uncle Hayato pero mas sanay ako na tawagin siyang Sir Hayato."
Naalala ko bigla yun sinabi sa amin ni Sir Hayato. Gusto niyang tawagin namin siyang papa o uncle noon.
"Ikaw Xia?" tanong bigla ni Claude sa akin.
"Uncle tawag ko sa kanya pero Sir Hayato gamit ko kapag binabanggit ko pangalan niya sa iba," paliwanag ko.
"Ibig sabihin close ka sa kanya? Nakita mo na siya?"
"Oo naman, siya nagtuturo sa amin kung paano kontrolin ang kapangyarihan namin, at siya din nag-alaga sa amin sa America."
"Kami kaya? Kailan namin siya makikita ng harapan?"
"Makikilala niyo rin siya pagkatapos ng misyon," tugon ni Kenji. May balak naman kasi siya makipagkita pagkatapos namin magawa yung misyon. Sinabi niya sa amin yun kanina.
Napatingin ako kay Zander. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nakita niya si Sir Hayato?
Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumigil sa pag-iisip, baka mamaya mabasa pa niya iniisip ko.
"Maghanda na kayo para sa misyon niyo. Goodluck," sabi sa amin ni Sir Takeshi.
Itutuloy...