Xia's POV
"Xia, gising na. Mamasyal daw kayo nila Kia," panggigising sa akin ni mom.
"Mamaya na... 5 minutes," tugon ko sabay yakap sa unan ko na hotdog.
"Ngayon na! Tumayo ka na diyan. Maghahanap pa kayo ng matitirahan niyo," aniya kaya napilitan akong bumangon.
Pasamantala lang kaming titira dito sa headquarter ng Artificial Vanpire Organization (AVO). Napag-usapan namin nila kuya na magkakanya-kanya kaming tirahan pagkabalik dito; matatanda na daw kami kaya dapat lang daw na maging independent na kami, wala naman ako problema doon dahil sanay na naman akong mag-isa.
Tumayo na ako para maligo, magtoothbrush, magbihis at siyempre nag-ayos din nang kaunti. Kumuha ako ng mansanas sa maliit na mesa na nakapwesto sa tabi ng higaan ko. Kinain ko yun habang hinahanap ko sila kuya.
"Ate Xia!" sigaw ni Kia sabay kaway sa akin.
"Buti bumangon ka na, kanina ka pa namin hinihintay. Antukin ka talaga kahit kailan," sermon sa akin ni kuya.
Humikab lang ako saka dumiretso sa ref para kumuha ng apple dahil naubos ko na yung kinakain ko. Napailing na lang sila kuya sa kinilos ko. Sanay na sila sa akin.
Kapag gising ako lagi akong gutom kaya kain ako nang kain ng mansanas na ihinahanda nila para sa akin. Hanggang ngayon ayoko pa ring dektang uminom ng maraming dugo. Ayos na ako sa apple na may dugo kahit nakakabitin.
Hinila na ako nila kuya palabas dahil sa bagal ng kilos ko, tnatamad pa kasi ako. Marami pa raw kami pupuntahan na pasyalan kaya kailangan na namin umalis ng maaga.
Katabi ko sila Kia at Kyla sa backseat habang sila kuya nasa harapan namin.
"Hindi sasama si Kenji?" tanong ko.
"Hindi, alam mo naman yun. Puro trabaho lang," sagot ni Jason.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay kuya dahil siya ang nagmamaneho.
"Pupunta muna tayo sa school kung saan mag-aaral sina Kia at Kyla. Pagkatapos didiretso tayong Luneta." sagot ni kuya.
Parehong nasa elementary sina Kia at Kyla kaya sa Saitou Elementary School sila mag-aaral, grade 1 na si Kia samantalang Grade 4 naman si Kyla.
Kahit na hindi nakakapagsalita si Kyla, kaya niya pa rin makipagsabayan sa mga normal na bata dahil sa mataas ang IQ level nito kumpara sa normal na bata. Sinabihan din namin siya na iwasang niyang gamitin yung telepathy headphone dahil baka pagkaguluhan lang siya. Kumpara kasi sa America, bihira lang makakita ng high-tech dito. Marunong naman siya magsulat kaya pinayuhan ko na lang siya na magwhiteboard sa pakikipag-usap. Wag nga lang sana siya tawaging Ms. Whiteboard.
"Hintayin ko na lang kayo dito," sabi ko kila kuya saka umupo sa waiting area sa labas ng principal office.
Napahikab ako at muling sinapian ng antok. Wala naman siguro masama kung matutulog ako saglit?
Zander's POV
"Ang aga-aga. Bakit tayo pa kailangan mag-enrol kay Rain?" reklamo ni Claude.
"Nagmamadali si Rain dahil ngayong umaga din daw pupunta roon yung mga kaibigan niya sa america. Gusto niya raw sumama sa kanila sa pamamasyal," tugon ni Bliss.
"Sino ba yung mga kaibigan mo? Ipakilala mo naman sila sa amin," tanong ni Claude kay Rain.
"Kapag nakita natin sila kuya. Ayun na yung gate! Dalian niyo kuya," tugon ni Rain saka tumakbo.
"Wag ka tumakbo," saway sa kanya ni Bliss habang hinahabol ito.
Pagkadating namin sa principal office, napansin ko agad yung babaeng nakaupo sa waiting area.
"Kayo na lang makipag-usap sa loob," sabi ko kila Bliss saka tumabi doon sa babae.
"Hoy Zan-- Ah! Kaya pala," sabi ni Claude habang tinitignan ako nang makahulugang tingin.
"Ayeeeiii!" pang-aasar naman ni Bliss kaya sinamaan ko ng tingin.
"Eh? Si Ate Xia yun ah," sabi naman ni Rain.
"Kilala mo siya?" tanong ni Claude.
"Opo. Isa po siya sa nag-alaga sa akin sa America. Nandito po siya, ibig-sabihin nasa loob na sila Kyla. Pasok na po tayo," tugon ni Rain sabay hila kay Bliss papasok. Halatang excited siya makita yung mga kaibigan niya.
Bakit ba kasi siya bumalik sa amin? Pwede rin naman siya makitira kung nasaan yung mga kaibigan niya? Magkasama naman sila sa America noon.
Nilingon ko si Xia, hirap na hirap ito sa posisyon niya, yuyuko yung ulo niya tapos aangat at yuyuko ulit. Hinawakan ko ang ulo niya at dahan-dahan ko itong sinandal sa balikat ko. Bakit ba kasi dito siya natutulog? Paano kung may masamang tao makakita sa kanya?
"Hay naku! Nakatulog nanaman siya, si Xia talaga!" sambit ni Xavier nang makita niya kami.
"Gigisingin ko na siya," sabi naman ni Jason ngunit pinigilan siya ni Xavier.
"Hayaan mo na siya matulog," aniya habang nakatingin pa rin sa amin.
"Pe--"
"Alis na kami. Pakisabay na lang si Xia kapag nagpunta kayo sa Luneta," paalam ni Xavier sa akin saka hinila si Jason na kasalukuyan akong tinitignan ng masama. Napangisi na lang ako dahil alam ko na ayaw niyang makasama ko si Xia.
"Bye kuya! Alagaan niyo po si Ate Xia," sabi sa akin ng batang babae sabay tawa na parang kinikilig.
"Tara na Kia," tawag sa kanya ni Xavier dahil naiwan na ito. Tumakbo na ang bata papunta sa kanila.
Biglang bumagsak si Xia pahiga sa hita ko, hinayaan ko na lang siya at inayos ang pagkakahiga niya.
"Ang saya mo ha?" napatingin ako kay Claude nang magsalita ito.
Doon ko na lang napagtanto na nakangiti na pala ako habang pinapanood si Xia. Natawa na lang si Bliss nang sumeryoso ako bigla.
"Kuya, may gusto ka ba kay Ate Xia?" tanong ni Rain.
"Oo Rain. In love yan kay Ate Xia mo," sagot naman ni Claude na halatang nang-aasar.
"Hindi pwede! Akin lang si Ate Xia. Pakakasalan ko siya paglaki ko. Ano ba yan! Nadagdagan nanaman yung karibal ko," reklamo ni Rain.
"Nadagdagan? Sino ba yung karibal mo kay Xia?" tanong ni Bliss.
"Si Kuya Jason," nakasimangot na sabi ni Rain.
Napakunot naman ako ng noo nang marinig ko yung pangalan ni Jason. Sabi na nga ba may gusto yun kay Xia. Kaya ganun na lang reaksyon niya kanina.
Gumalaw si Xia at humikab saka dumilat. Nagkatinginan kami dahil saktong nakatingin ako sa kanya.
"Zander? Nah! Impossible. Nanaginip pa yata ako?" aniya saka muling pumikit kaya pinisil ko ang pisngi niya.
"Hindi ka nanaginip. Bumangon ka na diyan," sambit ko. Gusto ko siya sabihan na wag na ulit matutulog sa labas lalo na kung mag-isa lang siya.
"Aray!" sigaw niya sabay alis ng kamay ko sa pisingi niya.
"Gising ka na ba?" tanong ko. Umayos siya ng upo saka ako tinignan ng masama. Tumingin siya paligid.
"Good Morning!" bati sa kanya ni Bliss nang mapatingin siya sa kanila.
"Morning. Nakita niyo ba sila kuya?" tanong niya.
"Nauna na silang umalis. Sumabay ka na lang daw sa amin," sagot ko.
"Iniwan nila ako? Hindi man lang nila ako ginising," reklamo niya.
"Ayaw mo po ba kami makasama?" tanong ni Rain.
"Hindi naman. Siyempre gusto ko rin kayo makasama. Saan ba sasakyan niyo?"
Napakunot ang noo ko at bago pa siya makaalis sa tabi ko, hinawakan siya sa kamay.
"Susunod na lang kami ni Xia. May pupuntahan lang kami saglit," sabi ko sa kanila saka hinila si Xia paalis. Gusto ko siya makasama na ako lang.
"Saan kayo pupunta kuya? Sasama a--" sabi ni Rain na susunod sana ngunit pinigilan ni Claude.
"Bawal bata doon," sambit ni Claude. Nakita ko na lang siya na buhat-buhat si Rain, nakapatomg ito sa balikat niya na parang sako ng bigas.
"Ayoko! Kila Ate Xia ako sasabay," reklamo ni Rain habang hinahampas ung likod ni Claude.
Binilisan ko na ang lakad ko para makalayo na kami.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Xia.
"Hindi mo suot yung singsing na binigay ko sayo," sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi nakita sa daliri niya nang tignan ko ito.
"Suot ko kaya," aniya sabay hila doon sa isa pa niyang kwintas, ginawa niyang pendant yung singsing. Hindi ko rin agad napansin na dalawa ang suot niyang kwintas.
"Ginawa kong kwintas baka kasi masira dahil sa kapangyarihan ko," paliwanag niya.
"Naalala mo pa ba yung sinabi ko bago kayo umalis?" tanong ko. Binagalan ko na ang pglalakad namin habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Hinding-hindi ko makakalimutan yun," nakangiting sabi niya saka humarang sa harap ko. Tinignan niya ako sa mga mata saka humigpit yung pagkakahawak niya sa akin.
"Hindi mo ko hinayaang makasagot nung araw na yun. Nasabi mo yung nararamdaman mo pero ako hindi. Ang daya mo!" reklamo niya sa akin kaya natawa na lang ako.
Pero nung una nagbigla ako kasi hindi ko inaasahan na magsasalita siya ng ganung kahaba. Bumalik na talaga siya sa dati. Nung bata pa kami madaldal siya, lagi niya ako kinakausap noon kapag dumadalaw kami sa kanila. Hindi ko nga alam kung naalala pa ba niya yun dahil sabi narinig ko na wala daw siya masyadong memorya noong bata pa siya.
"Wag ka tumawa diyan. Sa limang taon lagi kitang iniisip, baka maghanap ka ng iba kasi hindi ko sinabi sayo na mahal din kita," aniya sabay iwas ng tingin. Medyo mahina yung mga huling salitang sinabi niya pero narinig ko pa rin ito. Kitang-kita ko din ang pamumula niya nang sabihin niyang mahal niya ako.
Hiinawakan ko ang mukha niya saka hinarap sa akin para halikan. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at mas lalo siyang namula. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya muli ko siyang hinalikan pero mabilis lang.
"Sabi ko naman sayo maghihintay ako. Ikaw lang naman ang gusto," sabi ko sa kanya bago binitawan at naunang maglakad. Nahiya ako bigla sa ginawa ko.
"Ayan ka nanaman! Bigla ka na lang naglalakad paalis pagkatapos mo kong halikan at magsabi ng sweet na salita," aniya sabay hawak sa braso ko nang maabutan niya ako.
"Ehem. Punta na tayong luneta," pag-iiba ko sa usapan habang umiiwas ng tingin sa kanya.
"Okay," sagot niya sabay tawa ng mahina.
Hinila niya ako at tumakbo papasok sa isang eskinita saka tumalon papunta sa mataas na pader na bakod. Mula doon tumalon siya ulit papunta sa bubong ng bahay. Sinabayan ko na lang siya dahil hawak niya pa rin ako.
"Sandali," pigil ko sa kanya saka ko nilagay yung hood ng jacket ko. Hindi ko kasi kaya yung sikat ng araw lalo na kung nasa bubong kami. Pakiramdam ko masusunog ako.
"Sorry nakalimutan ko. Hindi ka nga pala kagaya ko na pwede sa arawan."
Maswerte siya dahil artificial vampire siya kumpara sa akin na pinanganak na bampira talaga. Pwede kasi sila mamuhay katulad sa mga normal na tao dahil pwede sila sa arawan. Kapag kami bawal dahil masusunog kami, lalo na kung direktang nakatutok yung araw sa balat namin. Maliban na lang kung maglakagay kami ng sun protection.
"Ayos lang," tugon ko saka siya hinila para tumakbo. Kung saan-saan kami dumaan para lang makapunta sa luneta.
"Nakakapagod," aniya pagkarating namin doon. Naupo na lang siya damuhan.
"Ano nangyari sa inyo? Bakit pagod na pagod kayo?" nagtatakang tanong ni Claude.
"Tumakbo lang kami papunta dito. Pahinging pagkain," tugon ni Xia. Hinagisan siya ng apple ni Xavier.
Ngayon ko lang napansin na ang dami pala nilang dalang apple.
"Apple yung palaging kinakain ni Xia. Ayaw niyang umiinom ng dugo kaya dinaan namin sa apple. Gusto mo?" paliwanag sa akin ni Xavier.
Kaya pala may dugo yung apple na kinakain niya.
Binigyan niya rin ako ng apple na agad ko kinain. Naalala ko tuloy yung pumitas noon ng apple si Xia tapos hinabol kami. Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti dahil sigurado aasarin nanaman ako ni Claude.
"Salamat," pagpapasalamat ko kay Xavier.
Hindi ko alam kung may idea siya sa amin ni Xia pero nakakapagtaka na mabait siya sa akin. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla niya akong hinawakan nang mahigpit sa balikat.
"Wag na wag mong lolokohin si Xia, ako makakaharap mo kapag pinaiyak mo siya," bulong niya sa akin.
Naramdaman ko na lang parang umiinit yung balikat ko. Pagtingin ko sa suot ko, butas na ito na para bang nasunog.
"Ano ginawa mo kuya? Ayos ka lang?" tanong ni Xia. Tinignan niya yung balikat ko kung may sugat.
"Ayos lang ako," sagot ko at tinuloy na lang yung pagkain.
Itutuloy...