Chapter 25

1905 Words
Xia's POV Tinignan ko isa-isa ang kalaban saka ko pinatay ang invisibility ng uniform namin. Oras na magpakita kami, ibig sabihin nun seryoso na kami sa laban. Hindi rin naman nila kami matatandaan dahil binubura ko alaala nila pagkatapos. Tanging ang pangalan lang ng grupo ang maalala nila at ang bulaklak na iris, ang palatandaan namin; lagi kami nag-iiwan nito sa kanila. "Ngayon ko lang kayo nakita. Kasama ba kayo sa CLA?" tanong ng isa kanila. Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon. Wala ako balak sagutin yung tanong niya pero tama siya. "Kapag natalo niyo kami, sasagutin namin lahat ng tanong niyo," sambit ni Kuya Xavier. Hinagisan niya ako ng apple na palagi kong kinakain. Lagi silang may dala nun para daw kapag nagutom ako may ibibigay sila sa akin. Madalas kasi ako manghina tuwing ginagamit ko ang ability ko saka masama ako magutom. "Kami muna dito," aniya saka sila pumiwesto. Umupo ako doon sa nagsisilbing bakod sa rooftop. Hindi naman ako takot mahulog kung sakaling may tumulak sa akin. Pinanonood ko lang sila kuya habang abala sila sa pakikipaglaban. Wala pa ni isa kanila ang gumagamit ng ability. Puro suntukan at sipaan lang ang ginagawa nila. "Hoy! Hindi mo ba sila tutulungan?" tanong sa akin nung batang may invisibility awareness. "Kaya na nila yan kahit wala ako," tugon ko. Sa totoo lang iniiwasan ko talaga makipaglaban sa mga bampira. Ayoko na kasi madagdagan pa yung ability ko. Habang tumatagal kasi hindi ko makontrol yung mga nakukuha kong kapangyarihan. Hanggang maari ayokong humawak ng bampira dahil kusa kong nagagaya  yung mga kapangyarihan nila kahit ayoko makuha. May pagkakataon din na nagagamit ko na lang bigla yung iba kong ability nang hindi sinasadya kaya minsan natatakot ako sa sarili ko, baka mamaya sarili ko na ang mapatay ko. "Minamaliit niyo ba kami? Malakas ang mga kasama ko," pagmamalaki niya pero hindi ko siya pinansin. Alam ko na kaya na nila kuya tapusin ang kalaban. "Hoy! Pansinin mo naman ako!" inis na sabi niya sabay sugod sa akin kaya napaliyad ako ng hindi oras. Kung hindi lang nakakapit yung paa ko sa bakod na inuupuan ko baka nahulog na ako. "Oh no!Apple ko!" sabi ko nang mabitawan ko ito. Sinubukan ko pa ito abutin pero mabilis na itong nahulog. Biglang nag-init ang ulo ko dahil. Umayos ako ng upo saka tinignan ng masama yung bata. Tulad dati may pwersang lumabas sa katawan ko at para bang may sariling isip ang mga kapangyarihan ko dahil kusa itong guamagana lalo na ganito na mainit ang ulo ko. Nagsilutangan ang mga gamit nila tulad ng baril at sumbrero at iba na hindi nila hawak. "Shirayuki!" sigaw ni Jason. Pagtingin ko sa kanya, hinagisan niya ako ng apple. Natuwa ako nang makita ko ito, dahil doon nagsilaglagan bigla yung mga napalutang kong gamit. Alam talaga nila kung paano ako pakakalmahin sa ganitong oras. Sasaluin ko na sana ito ngunit inunahan ako nung bata at knagatan niya ito pagkasalo niya. "....." Parang gusto ko turuan ng leksyon ang batang ito. Kanina pa siya. Hindi pa ba sapat na nahulog ko apple ko dahil sa kanya? "Dugo?" aniya habang nakatingin sa apple na dapat sa akin. Napairap ako at tinignan sila kuya. Kung hindi nila ako bibigyan ng apple baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Naloko na. Wala na akong dalang apple," sabi ni Jason sabay tingin kay kuya. "Shirayuki, kalma lang. Yung kapangyarihan mo," paalala sa akin ni Kenji. Narinig ko rin mula sa hikaw ang pagkataranta ni Sir Hayato na kasama niya ngayon. "Lagot na! Siguradong buong building ang masisira kapag nawalan siya nang kontrol. Gumawa kayo ng paraan," rinig kong sabi niya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman sila masisi kung bakit ganun na lang ang reaksyon nila. Minsan ko na kasi napasabog ang bahay ni Uncle Hayato nang nawalan ako ng kontrol. Ayun ang dahilan kung bakit bumalik na kami dito. "Baka may apple pa kayo diyan?" tanong ni Kenji. Walang sumagot... Mukhang wala na sila maibibigay sa akin. Gutom pa naman ako. "Ako na bahala sa kanila. Hintayin niyo na lang ako sa labas," sabi ko dahil kung hindi ko mailalabas itong inis ko baka nga magkatotoo ang kinakatakutan nila. Tinanggal ko yung glove na suot ko sa kaliwang kamay. "Sigurado ka ba diyan? Baka sirain mo itong building," kinakabahang sabi ni Jason. "Nah! Tuturuan ko lang ng leksyon itong bata na nasa harap ko. Ilan na lang ba sila? Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... anim... pito... Pito na lang pala sila. Ako na tatapos dito," sabi ko pagkatapos ko silang bilangin. Napabuntong hininga si Kuya saka hinila si Jason. "Bibigyan ka namin ng sampung minuto," aniya saka lumabas kasama si Jason. Hindi ko na pinatagal ang oras. Sinugod ko ang isa sa kanila. Sinuntok ko ito ngunit nakailag pero umikot ako saka siya sinipa sa gilid ng mukha, malapit sa leeg niya. "One..." bilang ko nang mawalan ito ng malay dahil sa pagkakasipa ko. May sumuntok sa akin sa likuran ko pero humakbang lang ako patagilid sa sinalo kamao niya. "Death Vision. Nakita mo rin ba kung paano ka mamatay?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko makita at makopya yung kapangyarihan niya. Hinila ko siya ng buong lakas saka ako yumuko ng kaunti para buhatin at ibalibag sa sahig. Ginamit ko ang ability na nakopya ko kay Jason para hindi siya makagalaw. "Two..." bilang ko at muling may sumugod sa akin. Tumalon ako at humawak sa ulo niya saka umikot sa ere. Pagkababa ko, ako na ang nasa likod niya. At dahil tinatamad na ako makipaglaban, hinawakan ko na lang ito sa batok saka pinaralyze. "Three," bilang ko nang may mapabagsak nanaman ako. Tuloy lang ako sa pagsugod. "Four." Handa na sana ko umatake sa natitirang kalaban nang may tumutok ng baril sa akin. "Wag ka kikilos kung ayaw mong barilin kita," sabi niya. Ningisian ko lang siya dahil hindi naman ako tatablan ng bala dahil bulletproof ang suot ko. Naglakad ako palapit sa kanya kaya napaputok siya pero balewala lang ito sa akin. Tumakbo na ako papunta sa kanya para matapos na ang lahat, nagugutom na talaga ako. Hinawakan ko ang kamay niya na may baril saka ko siya tinuhod sa sikmura. "Ano ability mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi ito makita nung nahawakan ko siya pero sigurado akong nakopya ko din ito. Hindi ko lang alam kung ano yun. "Bakit ko naman sasabihin sayo?" aniya kaya tinutukan ko siya ng baril na nakuha ko sa kanya. "Sasagot ka o papatayin kita." "Poison Immunity." Napatango na lang ako. Kaya pala hindi ko ito makita. Karamihan sa kanila nasa Physical Enhancement lang yung kapangyarihan nila kaya hindi ko ito nakikitang ginagamit nila. Tinunaw ko yung baril na hawak ko gamit ang acid. Nakopya ko ang ability na ito kay kuya, namana niya ito kay dad. Samantala, plant manipulation ang namana ko kay mom. Yung ibang kakayahan ko hindi ko alam kung saan ko nakuha. Katulad na lang ng: nagkakatotoo ang mga sinasabi ko, yung pagkasira ng paligid tuwing sisigaw ako  at ang hindi mapaliwanag na pwersang lumalabas sa katawan ko kapag galit ako o naiinis. Nakuha ko naman yung power replication sa asawa ni Sir Navarro. "Five," sambit ko sabay sipa doon sa lalaki. Tinignan ko yung dalawang natira. Yung bata na lang saka yung lalaki na nakaalam kung nasaan si kuya kahit na hindi niya ito nakikita. Ano kaya ability niya? Mabilis akong lumapit sa kanila at hinawakan para hindi sila makalayo. "Ah! Yun pala yun. Naamoy mo si kuya kaya nalaman mo kung nasaan siya," sabi ko nang makopya ko yung kapangyarihan ng  lalaki. Supernatural Smell pala ang kakayahan niya. Napakunot-noo na lang ako dahil ang dami kong naamoy.  Isang ability nanaman ang hindi ko alam kontrolin. Pinaralyzed ko na lang silang dalawa saka binitawan para makaalis na kami. Tinaas ko yung hood ko na natanggal kanina nung kamuntik na ako mahulog. Kailangan ko pa burahin lahat ng alaala nila ngayon kundi lagot ako, dahil nakita nila mukha ko. "Nagugutom na ako. Achooo!" sabi ko nang matapos ako. Napatakip ako ng ilong dahil hindi ko maintindihan yung naamoy ko. Nagkahalo-halo yata lahat ng amoy sa paligid. Makausap nga si uncle tungkol dito. "Achooo!" "Sayo ito diba." Napatingin ako sa likod ko atakita ko yung apple na nahulog ko kanina. Mukhang malinis pa ito. Pagtingin ko sa taong nag-abot nito, bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Hindi ko inaasahan na sa ganito kami magkikita ulit. Zander's POV Pagkadating namin sa Saitou High, nakatakas na ang ibang bihag at hinuhuli  na ng mga pulis yung mga nag-hostage. "May tao pa ba sa loob?" tanong ni Trevor sa mga pulis. Kilala naman nila kami bilang mga ordinayong pulis, hindi bilang member ng CLA. "Meron pa daw bihag sa rooftop," tugon ng isa sa mga pulis. Tumakbo kami agad papuntang building. Napatigil ako sa paglalakad nang may bumagsak sa harapan ko. Nang masalo ko ito, bumungad sa akin ang isang apple na may kagat. May nakita akong isang imahe ng isang babae habang kumakain ng apple. Nakaupo ito sa rooftop nang biglang sugurin siya ng bata.  Nang iwasan niya ito, nabitawan ito kaya nahulog. Napangiti ako sa nakita ko. "Ano nakita mo? Bakit ka nakangiti?" tanong ni Claude sa akin. "Wala," sagot ko saka pumasok sa building at nagmadaling umakyat pataas. "Sino kayo?" tanong ni Trevor sa dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng  pintuan patungong rooftop. Humarap sila sa amin. "Yow!" bati sa amin ng isa sa kanila saka niya binaba yung hood. "Ja--" "Sshh," putol ni Jason kay Bliss bago pa nito mabanggit ang pangalan niya.  "Mamaya na kayo pumasok. Hindi pa tapos ang laban," sabi ni Xavier sabay harang sa akin. Kung hindi ako nagkakamali si Xia yung tinutukoy niyang makipaglaban. Wala kami nagawa kundi maghintay kasama nila. Tahimik lang kaming nakaabang sa may pintuan habang nnakikinig sa nangyayari sa rooftop. "Tapos na siya," sabi ni Jason. Pagkarinig ko sa kanya, pumasok ako agad. "Nagugutom na ako. Achooo!" sabi ni Xia. Nakatalikod pa ito sa amin habang nakaupo sa sahig. Muli siyang bumahing. Lumapit ako sakanya saka inabot yung apple na nasalo ko. "Sayo ito diba," sabi ko. Umangat ang ulo niya at nang magkasalubong ang mga mata namin, bumilis bigla ang t***k ng puso ko at natulala sa kanya. Halata sa mukha niya ang gulat pero ningitian niya din ako agad. Kinuha niya yung apple at kinain. "Salamat," sabi niya saka tumayo. Bigla siya niyakap ni Bliss. "Namiss kita," sabi nito. "Nakauwi ka na pala. Hindi mo man lang sinabi sa amin," sabi naman ni Claude. "Kakarating lang namin kanina," tugon ni Xia habang kinakain yung apple. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikipag-usap siya. Ang laki na ng pinagbago niya simula nung huli ko siyang nakita. Kahit hindi tumanda ang itsura niya, mas gumanda siya sa paningin ko at wala na yung malungkot na aura niya. "Wala ba kayong balak umalis?" Sabay-sabay kami napatingin kay Kenji, nakatayo siya sa may pintuan habang nakatingin sa amin. "Pinapunta ako dito ni Sir Hayato para tignan ang sitwasyon, mukhang wala naman nasira. Paakyat na nga pala yung mga pulis," sabi niya kila Xia. "Sorry. Gusto ko pa sana kayo makausap pero kailangan  na namin umalis, hindi kami pwede makita ng iba. Kita na lang tayo ulit," sabi sa amin ni Xia. Lumapit siya doon sa mga bihag at isa-isang hinawakan. Biglang itong nawalan ng malay. Hinawakan niya din yung ibang nandoon. "Ano ginagawa niya?" tanong ni Bliss. "Binubura niya yung memory nila tungkol sa amin. Wala kasing dapat makaalam tungkol sa itsura namin," sagot ni Jason. "Ayos na. Kita na lang tayo bukas," paalam ni Xia saka inangat yung zipper ng hood niya at bigla na lamang ito nawala kasama nila Kenji. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD