Chapter 35

2201 Words

"Xia! Lumabas ka diyan. Hanggang kailan ka magkukulong?" sigaw ni Xavier habang kinakatok ang kwarto ni Xia. Simula noong umuwi sila galing mall, hindi na lumabas si Xia ng kwarto. Mas gusto niya na lang nakakulong simula nang makita niyang marami ang nasaktan dahil sa kapangyarihan niya. "Kuya, ayos lang ako. Pumasok ka na sa trabaho mo. Ilang araw ka ng absent dahil sa akin," sigaw ni Xia. "Hindi ako papasok hanggang hindi ka lumalabas diyan," pabalik na sigaw ni Xavier kaya lumabas na si Xia. "Pumasok ka na kuya. Ayos lang ako." "Pupunta daw si uncle dito. Tatlong araw ka hindi pumupunta roon para magsanay, kaya sila na lang daw pupunta rito." "Okay." Papasok na sana ulit si Xia sa kwarto ngunit hinila siya ni Xavier paupo sa sofa. "Diyan ka lang. Kumain ka muna," utos nita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD