"Saan tayo pupunta?" tanong ni Xia kay Zander nang bigla na lamang siya nito hinila palabas. Wala siya magawa kundi ang sumunod dahil sa handcuffs na nilagay nilagay sa kanila. "Sa office," aniya saka siya nito pinasakay sa sasakyan. "May trabaho ka pala. Bakit mo ko isasama?" inis na tanong ni Xia dahil makikita nanaman niya doon ang higad na katrabaho ni Zander. "Para mabantayan kita. Tingin mo ba iiwanan kita doon ng mag-isa?" tugon nito. "Kaya ko naman sarili mo," bulong ni Xia habang nakatingin sa bintana. "Kaya mo sarili mo? Kaya pala kamuntik ka na kanina. Kundi lang dumating sila dad baka ano na nangyari sayo. Tulad kanina umalis lang si Xavier, pinuntahan ka na niya agad." Hindi na nakaimik si Xia dahil totoo ang sinabi nito. Napabuntong hininga na lang si XIa at nanahimik

