Xavier's POV "Mom, nandyan ba si Xia?" tanong ko agad nung makarating kami sa bahay. Dala na namin yung katawan ni Zander. "Nasa kwarto nila. Kanina pa nga hindi nalabas," tugon nito. "Xia! Buksan mo ito," katok ko dito pero walang nasagot kaya nanghiram ako ng susi pa mabuksan ko pinto nila. Pagpasok ko walang tao doon. May mga nakita akong papel sa kama nila kaya kinuha ko ito. Bawat papel may mga pangalan namin. Kinuha ko yung may pangalan ko. Dear Kuya Xavier, Sorry sa ginawa ko kanina. Kailangan ko lang talaga gawin yun para sa mga anak ko. Kung hindi ko siya papatayin, baka isunod na niya ang mga anak ko. At tama nga ako! Papunta siya sa bahay nung nakita ko. Balak nga niya patayin ang mga anak ko. Iniwan ko nga pala ang bangkay niya sa tabi ng dagat. Ikaw na bahala sa kanya.

