Xia's POV After 2 years... "Mommy! Babbie," sabi ni Seven sa akin sabay turo sa barbie niya na nasa mesa. Kinuha ko naman ito at inabot sa kanya. Nang makuha niya ito bumalik na siya sa mga kapatid. "Anak, ako na diyan. Pakitawag na lang Dad mo. Sabihin mo kakain na," sabi sa akin ni Mom. Nag-aayos kasi ako ng plato dahil kakain na. Pumunta ako doon sa maliit na opisina ni Dad. Siya na yung gumamit nung mala-ospital na kwarto namin. Kung ano-ano pinag-aaralan niya doon sa loob. Hindi muna kasi namin sila pinabalik sa Manila dahil masyado marami yung mga bata. Siguro kapag medyo malaki-laki na sila pwede na nila kami iwan. "Dad, kain na po." "Sige nak. Susunod na ako," aniya habang pinag-aaralan yung dugo. Hindi ko alam kung kaninong dugo yun. Kapag nandito nga si Papa, dalawa silang

