Zander's POV "Nak, ako na maghuhugas ng plato. Doon ka na sa sala," sabi ni Mama kay Xia. "Kaya ko naman po eh," tugon nito. "Wag ka na makulit. Zander, kunin mo nga itong si Xia," utos sa akin ni Mama kaya lumapit na ako sa kanila. "Mahal, tara na." Kinuha ko sa kanya yung basong huhugasan sana niya saka nilapag sa lababo at dahan-dahan siya hinila. Habang naglalakad kami, bigla siya tumigil sa paglalakad at napahawak sa tiyan. "Bakit mahal?" tanong ko. "Mahal, manganganak na yata ako," sambit niya sabay sigaw dahilan para mataranta ako. Hindi pa kasi ito yung araw na manganganak siya. "Ano nangyayari?" lapit bigla sa amin ni Mama. "Manganganak na po siya," sabi ko. "Jusko! Dalhin mo na siya doon sa hinanda nating kwarto. Ako na tatawag sa papa niya," utos sa akin ni Mama ka

