Xia's POV "Oh? Ang laki na ng tiyan mo ah. Kailan ba lalabas yan?" tanong ni Bliss nang makita ako. Opening kasi ngayon ng bago naming negosyo kaya nandito sila ngayon. "Next month," nakangiting tugon ko. "Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ang liit pa niyan." "Oo nga. Parang kayo ni Trevor. Parang kailan lang nanliligaw siya sayo, ngayon kayo na. Sinagot mo daw siya nung nagbakasyon kayo sa London." Ngumiti siya. Pansin ko din na mas gumaganda siya ngayon. Iba talaga kapag inlove. "Ano ba Jason? Bakit ang kulit mo? Wag ka nga dumikit sa akin," inis na sabi ni Claudine kay Jason. "Sorry na kasi. Hindi ko naman gusto yung babaeng yun. Saka kasalanan ko ba na gwapo ako? Kaya wag ka magselos," pangungulit ni Jason. "Ako nagseselos? Kapal mo!" sagot sa kanya ni Claudine.

