Xia's POV "Umupo ka na lang sabi. Kami na bahala mag-ayos," sermon sa akin ni kuya. Balak ko kasi sana sila tulungan magbuhat. "Oo nga. Baka mapaano pa yung baby mo," pagsang-ayon naman ni Stella. "Ikaw naman yung magaan lang buhatin mo," sabi naman ni Kuya sa bestfriend ko. "Oo na." Napangiti na lang ako habang pinapanood sila. "Ayeeii. Ang sweet naman ni kuya. Kaya Stella wag na wag mo iiwan si kuya, mamatay man ako. Gusto ko magkasama kayo hanggang sa huli," nakangiting sabi ko. Isa sa hiling ko ang maging masaya silang dalawa. "Hoy! Wag ka nga magsalita ng ganyan. Anong mamatay ka?" sermon sa akin ni Stella pero ningitian ko lang siya. "May problema ba Xia?" tanong naman ni Kuya. "Wala naman kuya. Balik na ako sa bahay, doon ko na lang hihintayin si Zander. Tuloy niyo na yun

