Dinala niya ako sa rooftop. Nagpaalam siya na may kukunin sa unit niya kaya naiwan akong mag-isa. Lumapit ako sa railings at tumingin sa baba. Nakakalula pero iba kasi ang pakiramdam kapag ikaw ang nasa tuktok. Umihip ang hangin at hinayaan kong tangayin nito ang buhok ko. Tirik na tirik parin ang araw pero hindi na iyo kasing init ng kanina dahil malapit na itong lumubog.
"Enjoying the view?" Nilingon ko si Duke at tumango. Ito ang gustong gusto ko kasama si Duke. Pinaparamdam niya sa akin na isa akong prinsesa, na mahalaga ako. Kahit na madalas kaming magbangayan dahil sa ugali niyang napakahigpit at mababa ang temper, mas madalas pa doon niya iparamdam na prinsesa niya ako.
Naglatag siya ng banig at nilapag doon ang plastics ng mga tsitsirya, dalawang maliit na thumb ng ice cream, chocolates, gummy bears at kung anu-ano pa. Ngumiti ako ng makita ko iyon. Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya. Kumapit ako doon at inalalayan niya akong makaupo.
Agad kong kinuha ang ice cream na chocolate flavor at binuksan. umupo siya sa may tabi ko at umusog ako palapit sa kaniya at sumandal sa balikat niya. Kinuha niya ang plastic ng gummy bear at kisses tsaka naglagay sa ice cream ko. Alam niyang gustong gusto ko iyon. Ano nga bang hindi alam ni Duke sa akin?
"Thanks" sabi ko ng matapos siya sa paglalagay. Binuksan niya ang isang plastic bag at tumambad sa akin ang fries na galing sa isang sikat na fast food chain. Nilapit niya iyon sa akin bago kinuha ang sarili niyang ice cream.
Duke never fails to spoil me.
Tahimik lang kaming kumakain habang nakatingin sa papalubog na araw, o ako lang dahil walang ibang ginawa si Duke kundi lagyan ng chocolates at Gummy bears ang lalagyan ko. Sinusubuan niya din ako ng fries.
"Duke tingin ka dun o. Ang ganda ng view" sabi ko at tinuro ang papalubog na araw. Nilingon niyo iyon pero bumalik din sa akin ang atensiyon niya. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang nagkalat kong buhok.
"Mas maganda ka" pinisil ko ang ilong miya at ngumisi naman siya. Umiling nalang ako at sumubo bago tumingin ulit sa papalubog na araw na tuluyan na palang lumubog. Bumuntong hininga ako. Si Duke kasi.
Kinapa kk ang cellphone niya sa pinaglagyan ko kanina upang tignan ang oras pero wala na ito doon ag wallet niya nalang ang nandoon.
"Hinahanap mo iyong phone? Saglit lang hindi pa napo-post" tinignan ko iyong pinopost niya. Uminit ang pisngi ko ng makita ang mukha ko na siyang pino-post niya sa i********: account niya.
Kinuha ko iyo at pinakialaman ang i********: niya na wala namang laman kundi mukha ko. May ilan na kasama ko siya pero madalas ay nakatalikod ako o nakaharap pero stolen. Ang huling post niya ay nakatalikod ako. Halatang halata ang Dela Marcel sa likod ng T shirt ko. Ito iyong kanina, noong nakahawak ako sa railings at nakatingin sa baba.
"i********: mo ito o akin?" Iiling iling na sabi ko. Kung hindi nga lang dahil sa username niya ay iisipin kong akin talaga iyon.
"Lahat naman ng akin, iyo din. Sinabi ko na sa'yo 'yan 'di ba?" Sabi niya bago ako sinubuan ng fries na agad kong tinanggap. Nginuya ko iyon habang tinitignan ang iba kong pics.
I know Duke feels something for me. Hindi naman ako manhid para hindi iyon malaman pero minsan kasi ang hirap paniwalaan na magkakagusto siya sa akin. Minsan naiisip ko na baka naman nakasanayan nalang niya na itrato ako ng ganito kasi simula bata kami, nasa akin na ang atensiyon niya. Natatakot ako na kapag ako na ang nahulog ay saka naman niya marealize na hindi pala ako ang gusto niya. Ayokong mangyari sa akin iyon kaya tuwing mah nararamdaman akong kakaiba, tinutulak ko siya palayo.
"Kapag nagka-girlfriend ka panigurado magagalit iyon kung makikita niya ito" sabi ko habang ini-scroll iyon. Umiling si Duke at binuhat papuntang gitna ng hita niya. Sinandal niya ako sa dibdib niya. Hinayaan ko lang siya. Sanay na ako sa mga ganiyang galaw niyan.
"That's my favorite picture of yours" sabi nito kaya hininto ko ang pag-scroll. Kagigising ko lang dito at magulo pa ang buhok ko. Suot ko ang isang puting V neck T shirt na may malaking DELA MARCEL sa harapan habang nakakumot ang ibabang bahagi ng katawan ko. Sumimangot ako.
"Ang pangit ko diyan" kumento ko. Tumawa siya na lalong nagpasimangot sa akin.
Napansin ko na parang ang ganda ng mood niya nitong mga nakaraang araw. Hindi siya nagsusungit at hindi niya tinatago ang emosyon niya. Hindi niya rin ako inaaway kahit na ilang beses kong sinusuway ang mga pangaral niya tungkol sa sugat ko.
"Akin na nga yan" sabi niya kaya binigay ko sa kaniya. Pinapanuod ko kjnb anong ginagawa. Nilipat niya lang naman sa camera at itinapat sa aming dalawa.
"Duke ang pangit ko ngayon!" sabi ko at tinakpan ang mukha ko. Ginamit niya ang isang kamay upang tanggalin ang kamay kong nakatakip sa mukha ko pero hindi ko siya pinagbigyan. Nagulat nalang ako ng kinuhanan niya parin iyon.
"Halata parin namang ikaw kahit takpan mo iyong mukha mo" sabi nito. Sumilip ako sa gitna ng mga daliri ko at nakita kong pino-post na niya iyon sa i********: at may caption pang 'with her'. Sinumangutan ko siya. Ang gwapo niya kasi doon. Well, kailan ba nagkaroon ng pangit na Dela Marcel? Lahat sila kahit mah kinulang sa height or may extra weight katulad ni Sacha ay magaganda parin.
Hindi ko napansin na sa sobrang titig ko sa kaniya ay naibaba ko na ang kamay ko at ang malala, nakuhanan niya kami ng pics habang mataman akong nakatingin sa kaniya. Pilit kong jnagaw ang phone niya ng makitang ipo-post niya iyon. Ayoko! Mukha akong patay na patay sa kaniya. Tumayo siya at lumayo sa akin ng pilit kong abutin iyon.
"Hindi ko na buburahin basta 'wag mo i-post!" umiling siya at may kinalikot sa phone niya. Tumayo ako. Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng maalala kong may sugat iyon kaya imbes na ihakbang ay nanatili sa ere ang paa ko at nawalan ako ng balanse at bumagsak ulit sa sahig.
"Sh*t! Bakit ka tumayo?" agad itong lumapit sa akin. Pinalo ko siya ng pinalo. Nakakainis kasi! Kung di naman siya tatayo hindi ko maiisipan na habulin siya!
"Sorry na. Hindi ko na ipo-post" sabi nito. Inirapan ko lang siya.
Kung sana ganito parati si Duke, edi hindi kami mag-aaway pero hindi, e. Mabibilang mo lang sa daliri ang mga araw na ganito siya at may emosyon. Kaya ko siya tinatawag na taong bato e.
"Tara na? Madilim na pala" tumingin ako sa paligid namin. Doon ko lang napansin na madilim na nga talaga. Tumango ako at binuhat niya akong muli. May nakasalubong kaming staff nila at sinabihan niyang linisin ang rooftop.
"Duke"
"Hmm?" Sabi niya habang naglalakad papuntang elevator.
"Huwag ka muna mag taong bato mode, a? Bukas nalang tayo mag-away ulit" pinatong ko ang baba ko sa leeg niya.
"Naiinis lang naman ako kung nakikipag-usap ka sa mga lalaki. Kung sumasama ka sa mga sinasabi mong kaibigan na pinaguusapan ka kung wala ka" humikab ako kaya humilig ako sa leeg niya. Nahinto siya saglit pero dumiretso lang din. Pinikit ko ang mata ko. Bumibigat na ang talukab ng mata ko.
"Kung hindi lang sa kasunduang iyon. Tsk. Hindi kita susungitan bukas basta ako lang papansinin mo. F*ck ang hirap makipagusap sa tulog lalo na kung nakadikit sa'yo!"