Chapter Five

1602 Words
Madilim na sa labas pero nandito parin ako sa harapan ng laptop at mga libro. Nakalimutan kong tapusin iyong papers ko. Mabuti nalang at pinagbigyan ako ni Mr. Cruz na ipasa ito bukas ng umaga. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng makakalimutan ko ay ito pa? "Hindi ka pa tapos? Wala ka pang balak umuwi? Tapusin mo nalang kaya iyan sa bahay niyo?" umiling ako ng hindi tinitignan si Jessie. Pamangkin siya ni Nanay Ysa at isa sa mga kaibigan ko. "Mauna ka na Jess. Kailangan ko pang tapusin ito" pinagdugtong dugtong ko ang nakuha kong informations. Mabuti nalang at talagang late magsara ang library ng school dahil kung hindi ay baka hindi na ako matapos. Kapag kasi sa bahay ko ito gagawin, madali akong ma-distract. Maraming temptations doon. Nagpaalam na nga si Jessie. Naiwan ako at ang iilang estudyante sa loob. Sunod sunod ang pagtipa ko sa keyboards. Hindi naman ganun karami iyon pero natagalan parin ako. Halos alas otso Y media na ng matapos ako. Nagugutom na ako na inaantok. Ipi-print ko pa ito mamaya sa bahay. Isinukbit ko ang bag ng laptop ko bago binalik ang mga kinuha kong libro at lumabas. Wala ng tao sa hallway. Gusto ng bumagsak ng mata ko pero hindi pa pwede. Malapit na ako sa gate ng maaninag ko ang pamilyar na pigurang nakasandal sa gate. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon nito. Lumingon ito sa akin. "Bakit ngayon ka lang? Nilalamok na ako dito sa kakahintay sa'yo!" umirap ako. Nagsusungit na naman siya. Wala na naman akong mabasang emosyon sa mukha niya. Bumuntong hininga ako at umiling. "Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako!" muli akong naghikab. Pagod na ako at lahat, sinusungitan pa ako ng taong bato! Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ng laptop ko. Hinayaan ko lang siya dahil wala na akong lakas na awayin siya. Maging ang bag ko ay kinuha niya mula sa akin bago unang naglakad. Sumunod ako sa kaniya habang nakatitig sa likod niya. Kung hindi lang talaga paiba iba ang ugali ni Duke, masasabi kong halos perpekto na siya. Mula sa mga asul na mata niya, sa matangos na ilong hanggang sa mapupulang labi niya na siyang bumubuo sa gwapo niyang mukha. His body isn't bad, too because of being sporty. Sa edad niyang twenty one ay hindi maitatanggi ang kakisigan niya. I've seen him almost naked. Sa kaliwang dibdib nito nakatatak ang tattoo ng pagkakakilanlan niya at sa ibaba ng malaking tattoo'ng iyon ay ang pangalan ko. Pinagawayan pa namin ang pagpapalagay niya ng pangalan ko doon pero wala naman siyang sinagot sa akin kung hindi ang nanlilisik niyang mata. Natigil ako sa pagmumuni muni ng bumangga ako. Hinamas ko ang noo ko at tinignan iyon. Masamang nakatingin sa akin si Duke. Ngumuso ako. Bakit kasi huminto siya sa paglalakad? Tapos susungitan niya ako? "Duke Xyrus a! Wag ngayon pagod ako!" banta ko. Umiling ito at binuksan ang pinto sa likod ng kotse bago nilagay ang gamit ko. Ako naman ay umikot at sumakay sa passenger's seat. Hindi nagtagal ay sumakay na din siya. "Next time na uuwi ka ng gabi, itext mo ako. Nag-alala na sila Tito sa'yo" sabi nito habang ini-start ang makina. "Nag-text naman ako kila Dad. Tsaka kung nag-aalala sila bakit ikaw ang nandito?" tinaasan ko pa siya ng kilay. Totoo naman kasi. "Nasa bahay si Tito. May pinag-uusapan sila ni Dad tapos dumating anb Mommy mo. Tinatanong kung nandon ka daw. I texted you. I even called you f*cking phone! Kung nagtext ka kah tito, tingin mo mag-aalala sila?" he hissed. I rolled my eyes again but I pulled my phone up. Nalaglag ang panga ko ng makita ang dami ng calls at texts. Binuksan ko ang message upang ipakita sa kaniya na nag-text talaga ako pero nabg makita kong hindi ko pala iyon na-send ay kinagat ko nalang ang labi ko. Naka-silent mode din kasi ang phone ko tuwing pumapasok ako. "Kung hindi lang dahil sa gps baka hindi kita nahanap!" pagtutuloy nito. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya. Ako naman kasi ang mali at wala na akong lakas makipag-away. Inaantok na ako pero kailangan ko pang unti untiin ang energy na natitira sa akin dahil kailangan ko pang i-print ang papers ko. "You okay?" tumango ako pero pumikit. Nanghahapdi na ang mata ko. Sanay pa naman kasi akong maagang natutulog. "Duke gisingin mo ko kapag nasa house na tayo. I need to print my papers pa kasi" sabi ko. "Saan ba 'yon naka-save? And file name?" tanong nito. Nagtataka man ay sinagot ko parin. "Sa laptop ko. Mr. Cruz" "Sleep, Sophia Careen" I nodded and let myself rest. Bumalikwas ako sa pagkakahiga ng magising ako at alas cinco Y media na ng umaga. Nasa kama ko na ako at iba na ang damit ko pero ang nasa isip ko ay ang six pages paper ko na ipapasa mamayang Seven am. Tumayo ako at hinanal anb gamit ko. Madali ko naman iyong nahanap dahil nasa study table ko lang iyon. Nilapitan ko iyon pero nagulat ako ng makita ang hard copy ng papers ko. Possible bang na-print ko ito kagabi?  Wala akong maalala maliban sa natulog ako sa sasakyan ni Duke? Kinuha ko iyon at tinignang mabuti. Ito nga iyon. Ibinaba ko iyon at sakto namang nalaglag ang isang maliit na papel. Pinulot ko iyon tsaka tinignan. I don't have the heart to wake you up. Hope you aren't mad. See you at our practice game tomorrow. Ngumiti ako ng makita ang sulat kamay ni Duke. Nilagay ko ang maliit na papel na iyon sa box na pinaglalagyan ko ng mga notes na galing sa kaniya. Hindi ko alam pero gustong gusto ko kasi iyong tinatago. Nilagay ko rin sa isang malinis na folder ang paper ko bago sinimulang gawin ang morning rituals ko. Twenty minutes bago seven thirty ng makarating ako sa school. Dumiretso ako sa college namin at hinanap si Mr. Cruz. Hindi naman ako nahirapan dahil kakapasok niya din noon. Kinuha niya lang ang papers ko at dumaan sa table niya. Lumabas na din naman ako at pumunta sa unang klase ko. May klase din naman kami kay Mr. Cruz mamaya pero sinabi niya kasi na dapat maaga kong ipasa. Malapit na ang christmas break, ang finals at ang championship game nila Duke kalaban ang kabilang school. Hindi ko alam kung paano pa iyon napapag-sabay ni Duke. Alam kong matalino talaga siya pero hindi lang naman iyon ang kailangan. Natapos ang una, pangalawa hanggang sa ang natitirang subject nalang ay ang kay Mr. Cruz. Pinatawag niya ako aa harapan. Akala ko may mali sa papers na ginawa ko, iyon pala natuwa lang siya sa gawa ko. Hindi niya na din na-minusan ang gawa ko kahit late sa sobrang tuwa niya dito. All through out that subject ay nakangiti ako. Hanggang sa papunta na ako sa gym. Dahil kay Duke iyon. If he didn't print my papers ay baka hindi iyon napasa. Pagkapasok ko ng gym ay agad ko siyang hinanap. Marami kasing nanonood kaya nahirapan ako pero ng makita ko siya ay agad akong lumapit at yumakap sa kaniya. Tumatawa pa ako non kahit na halos manigas siya sa yakap ko. "Mr. Cruz likes my papers so much, Duke" sabi ko bago humiwalay. "He even reads some of what is written there and if not because of you. Baka hindi ko napasa iyong papers" "I just printed it, Sophia. Ikaw ang gumawa non" sabi niya. Umiling ako. "Malaking bagay na iyon! If you didn't print it, baka di ko na iyon napasa" sabi ko. Salita pa ako ng salita sa kaniya. What I like about Duke is when I am in talkative mode, he just shut his mouth or comment a bit and let me talk until I'm tired of talking. It doesn't matter if it is with sense or without sense, pakikinggan niya parin ako with amusement or anything positive written all over his face. Huminto ako sa pananalita ng ipitin niya ang mga nagkalat kong buhok. Tumibok ng malakas ang puso ko. Ito na naman ang pamilyar na pakiramdam. "Tapos ka na? What about your day before that subject? Is it okay?" Tumango ako. "Duke magsisimula na ang game" parehas kaming napalingon sa bleachers nila. Nasa gitna kasi kami ni Duke dahil nagsho-shooting sila ng lapitan ko siya. Ngumuso ako. Nakita ni Duke ang reaksiyon ko kaya pinisil niya ang ilong ko. "Later, kay? Hintayin mo ako" tumango ako. Kung ibang araw baka nagreklamo ako pero dahil good mood ako  hihintayin ko nalang siya. Inalalayan niya ako papuntang bleachers nila pero hindi pa man kami nakakalapit ay muntik na akong matisod kung hindi niya lang ako nahawakan. Lumingon ako sa baba at ang naapakan ko pala ay ang sarili kong shoe lace. Lumuhod siya at siya na ang nagtali non. Mas mahigpit kaysa sa p*******i ko. Pagkatapos ay sinunod niya ang isa kong sapatos at tinali ng mahigpit. "Tie it like that next time" tumango ako. Pinaupo niya ako sa tabi ni Ishi na nagbabasa. I wonder where is Sacha? "You really looks good together. That little stunt, mukha kayong in love na in love sa isa't isa" iiling iling na sabi ni Ishi. "But I know better. Magkasama kayong lumaki at takot kang magkagusto kay Duke Xyrus dahil iniisip mong baka nakasanayan nalang niya ang nararamdaman niya" umiwas ako ng tingin. Ayoko talagang kausap si Ishi. Para kasing isa akong equation na sinosolve niya parati. "Open your eyes, Sophia. My poor little cousin is not just in love with you. He's badly smitten"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD